Magkapatid sa grade school, salitan sa pagdadala ng bunso nila sa paaralan

Magkapatid sa grade school, salitan sa pagdadala ng bunso nila sa paaralan

- Marami ang nadurog ang puso sa video na nagpapakita ng kalagayan ng magkapatid na sina Francis Catud at Veronica Catud

- Dinadala nila ang bunsong kapatid na si Israel sa paaralan dahil walang mag-aalaga rito

- Tanging ang ama lamang nila ang kasama ng magkakapatid at nagha-hanapbuhay para maitaguyod ang kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ng magkapatid na sina Francis Catud at Veronica Catud.

Binahagi ng programang Frontrow ang kalagayan ng magkapatid sa pagdadala ng mga ito sa bunso nilang kapatid na si Israel sa paaralan.

Tanging ang ama na lamang nila ang mag-isang nagtataguyod sa kanila kaya kapag pang-umaga ito sa trabaho, napipilitan sina Francis at Veronica na isama sa paaralan ang bunso nilang si baby Israel.

Naglalakad lamang ang magkakapatid papasok sa paaralan.

Sa umpisa'y karga ng 11-anyos na si Francis si Israel at kapag siya ay nakaramdam na ng pagod, ang 10 taong gulang naman na si Veronica ang magkakarga sa baby nilang kapatid.

Pagdating sa paaralan, si Francis ang mag-aalaga kay Israel dahil di raw pumapayag ang guro ni Veronica na dalhin niya ang bunso sa klase.

Ang guro naman ni Francis sa unang subject nila na si Teacher Loida ay nauunawaan ang sitwasyon ng magkakapatid.

Katunayan, mula nang mapansin niya ang kalagayan ng mga ito mula pa noong Hunyo, siya na ang bumibili ng gatas ni Israel na maari nitong mainom sa paaralan. Maging ang ilan pang mga kailangan ng magkapatid ay binibigay din niya.

Behave naman si baby Israel sa paaralan, ngunit ayon kay Teacher Loida, di niya maiwasang makaramdam ng awa.

Narito ang kabuuan ng video na nakuha ng KAMI sa YouTube:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Di man nila pinakikita, ngunit ramdam nina Francis at Veronica ang hirap ng pag-aalaga sa bunso nilang kapatid kasabay ng pag-aaral.

Samantala, dahil sa marami ang nakapanood sa kwento ng magkakapatid, marami rin ang nais magpabatid ng tulong sa mga ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica