Juan Miguel Severo, na-badtrip sa mall na nambarat sa kanya

Juan Miguel Severo, na-badtrip sa mall na nambarat sa kanya

- Hindi pinalampas ng aktor at spoken word poet na si Juan Miguel Severo ang tila pambabarat ng isang mall sa kaniyang talento

- Ibinahagi niya sa Twitter ang mensahe kung saan inanyayahan siyang magperform sa isang event ng organizer

- Bilang kapalit ng kanyang pagtatanghal ay bibigyan umano siya ng libreng pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ikinatuwa ng aktor at spoken word poet na si Juan Miguel Severo ang pag-offer ng isang event organizer ng mall na mag-perform siya kapalit ng libreng pagkain.

Inilabas niya ang kanyang pagkadismaya sa social media kung saan ibinahagi niya ang screen shot ng mensahe sa kanya ng organizer.

“A mall invites me. To perform. For a free meal. And to ‘further promote’ my craft. I know I’m poor but b*tch???”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa screenshot na kanyang ibinahagi, tahasan niyang sinagot ang organizer, “Seriously? Just free food? A mall. Inviting artists. To perform. For food?”

Ipinaabot din niya ang kanyang pagkadismaya sa nakakainsultong imbitasyon.

“Sorry, I find this invitation disrespectful to my craft and to artists. Be better. You don’t celebrate Buwan ng Wika by exploiting artists that promote our national languages all year long," buwelta niya sa organizer.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Inudyukan din niya ang kanyang kapwa manunulâ na tanggihan ang mga ganitong uri ng paanyaya.

“Fellow spoken word artists: If you receive the same message, do everyone else a favor and say no.”

Si Juan Miguel Severo ay isang aktor at spoken word artist na nakilala sa pagganap bilang si Rico sa teleseryeng On the Wings of Love. Lalo siyang sumikat nang mag-viral ang kanyang tulang "Ang Huling Tula na Isusulat Ko para sa 'Yo" noong 2015.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of Philippines | HumanMeter https://goo.gl/JooLri

Check out Human Meter's Razor Prank. Do you want to have a good laugh? Check out this prank video filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel