Pres. Duterte, namataang kumakain at nakipag-picture taking pa sa Jollibee sa Davao

Pres. Duterte, namataang kumakain at nakipag-picture taking pa sa Jollibee sa Davao

- Nakitang kumakain si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Jollibee outlet sa Davao

- Marami ang natuwa sa pagiging simple ng pangulo na kumakain din daw pala sa sikat na fastfood sa bansa

- Nakuha pa nitong makipag-picture sa mga crew at iba pang kumakain dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang mga larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumakain sa isang branch ng Jollibee sa Davao.

Ayon sa ulat ni Clarabelle Cornelio ng ABS-CBN news, tila nagutom ang pangulo nang manggaling ito sa lamay ni Ernesto Evangelista Sr., school president ng John Paul II College of Davao na kaibigan ng pangulo.

Sa ibang larawan binahagi ng PhilnewsXYZ, nakuha pa ng pangulo na mkipag-picture taking ng mga crew at ilang mga kumakain sa nasabing Jollibee outlet.

Pagkagaling daw nito sa Jollibee, nagawa pa ng pangulo na mag-ikot sa ilang kalsada sa Davao na kanyang ginagawa noong siya ay alkalde pa lamang ng lugar. Mapapansing, kasama pa rin ng pangulo ang pinagkakatiwalaan niyang tao na si Senator Bong Go.

Samantala, umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang pagiging simple ni Pangulong Digong. Anila, ito raw ang bahagi ng pagkatao ng pangulo na nararapat lamang pamarisan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Very simple. Kung ibang politician yan hndi mo mpapakain sa mga ganyan, except nlng kung photo-op"
"Yung President ka ng buong Pilipinas pero nananatili ka paring simply sa buhay,down to earth kaayo atong President no,dili pareha sa nangaging Presidents nga pa bonggang restaurant kinakainan pero pabaya naman sa bayan,hindi na nahiya ang mga nkaraang administration. Feeling mayaman sa mamahaling restaurant kakain pero ginasto ang pera sa kaban ng bayan. Makakapal din eh."
"O yung ibang pulitiko dyan masikmura kayang kumain sa fast food lang?
"E sa nagutom ang pangulo, malinis naman dyan, ganyan talaga siya walang arte"
"Itong pagiging simple niya ang dapat na tularan sa kanya"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Teenage pregnancy now acknowledged as ‘national social emergency’

Teenage pregnancy now acknowledged as ‘national social emergency’

Teenage pregnancy now acknowledged as ‘national social emergency’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel