Legal wife, pinaulanan ng blessings ni Idol Raffy pero umiyak pa rin sa huli

Legal wife, pinaulanan ng blessings ni Idol Raffy pero umiyak pa rin sa huli

- Hindi lang isa kundi napakaraming sorpresa ni Idol Raffy kay legal wife

- Ito ay matapos niyang ireklamo ang kanyang mister na may naging kabit

- Maraming netizens ang naiyak at humanga sa kakaiba nilang kuwento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' si Raquel Rosel, ang legal wife, upang ireklamo ang kanyang mister na si Arnel Rosel.

Mapapanood sa Part 1 na hindi makapaniwala ang mga netizens at si Idol Raffy dahil pinagpalit ni mister si misis sa isang 'warfreak' na kabit.

Labis din ang pagdaramdam ni misis dahil bukod sa binigyan ni mister ng pera ang kanyang kabit ay niregaluhan pa niya ito ng necklace na may halagang 8,000 pesos.

Nalaman ng KAMI na sa Part 2 at Part 3 ng kuwento nila ay pinaulanan nina Idol Raffy si misis ng maraming sorpresa na talaga naman hindi niya inaasahan.

Para maibsan ang sama ng loob ni misis, binilhan siya ni Idol Raffy ng 18k gold jewelry set na nagkakahalagang 30,000 pesos.

Bukod pa rito, pina-spa at pinakain pa ng buffet si misis. Agad itong nasundan ng isang makeover para sa kanilang dinner date ni mister.

Binilhan si Raquel ng damit, sapatos, at pina-hair at makeup din ito.

Sa kanilang dinner date ay humingi ng tawad si mister at sinabi ni misis na handa siyang patawarin ito dahil sa kanyang lubos na pagmamahal para sa kanya.

Watch the Part 2 below:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa kanilang kuwento.

"Very beautiful si mommy stay strong and beautiful in and out..."
"napakaganda ala Janice De Belen. ang bait pa thank you IDol Raffy the best ka talaga God bless you always"
"You are very beautiful mother! Masakit talaga para kay misis na nambabae si mister sa isang mukhang MANYIKA NG MANGKUKULAM"
"Naiyak ako naku kuya mgbgo kna nga sana.. Ang bait ni ate.. Idol Raffy the best ka talaga"
"Naiyak ako! Kuya deserves a second chance also godbless to ur family"
"sana lahat ng nangabit katulad rin ni kuya..marunong magpakumbaba ,magsisi at humingi ng tawad sa mga asawa o karelasyon nila.."

Watch the Part 3 below:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, lumabas na ang inaabangang Part 3 ng kasal na nauwi sa iyakan at kay Tulfo, nag-trending din ito ngayon sa social media.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Public Pranks, our team tricked people with the razor prank! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel