Mayor Isko, nagbabala sa mga "masusungit" na public health workers

Mayor Isko, nagbabala sa mga "masusungit" na public health workers

- Sa kanyang weekly "The Capital Report" live nitong August 2, nagbabala si Mayor Isko sa mga health workers sa mga pampublikong ospital sa Maynila

- Marami daw kasi ang natatanggap na reklamo ng alkalde mula sa kanyang nasasakupan tungkol sa masusungit na health workers

- Samantala, sa tulong ng bise alkalde ni yorme na Vice Mayor Lacuna ay ibinahagi nito ang isang magandang balita para sa mga pasyente ng ilang pampublikong ospital sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa pang matagal nang reklamo ng taong-bayan ang binigyang pansin ni Mayor Isko Moreno Domagoso at kanyang tinalakay sa kanyang weekly "The Capital Report" nitong August 2.

Target nito ang masusungit na public health workers na inirereklamo ng ilang Manileños kay Mayor Isko.

Ayon kay Moreno, kung hindi na masaya ang mga ito sa trabaho kaya nakakapag-sungit sa mga pasyente ay maaari namang magbitiw ang mga ito.

"Makikisuyo naman. Frontline kayo ng gobyerno in delivering services, in this case, health services.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

"Kung hindi na kayo masaya sa trabaho 'nyo dahil kayo'y masungit na kinakaharap yung mga may sakit, kaya kayo'y nagsusungit dahil pagod na kayo, kaya kayo'y nagsusungit dahil 'di na kayo masaya sa ginagawa 'nyo, pwede naman kayong magpaalam," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Mahirap maging mahirap, lalo na kung may sakit ka na ang tanging puhunan mo lamang ay lakas ng iyong pangangatawan," sabi pa nito.

Alam din daw ng alkalde ang hirap ng mga health workers sa mga pampublikong ospital. Pero binigyang-diin nito na ito ay sinumpaang tungkulin.

"Totoong nakakapagod, jusko nakakapagod...pero pinasok natin ito. This is public service eh. Ano ba naman ang kaunting ngiti?" sabi nito.

Samantala, sa tulong ng vice mayor nito na si Vice Mayor Honey Lacuna, inirekomenda nila ang P9.5 million na pondo para sa ilang ospital ng Maynila.

"[Ito ay] pera ng taumbayan upang ipambili ng pangkaragdagang gamot at supplies sa lahat ng ospital natin... So, sa ating mga direktor... I hope magamit 'nyo para sa pangangailangan ng ating mahihirap na kababayan," anito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over the Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and asked people if they can recognize them – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel