Grade 12 students, nag-ambagan para mabilhan ng sapatos ang guro

Grade 12 students, nag-ambagan para mabilhan ng sapatos ang guro

- Marami ang naantig sa ginawa ng mga grade 12 students para sa kanilang guro

- Napansin daw ng mga ito na sira na ang sapatos ng guro kaya naisipan nilang mag-ambagan para mabilhan ito

- Nalaman din ng mga estudyante ang pinagdaraanan ng guro kaya naman di sila nagdalawang isip na gawin ang surpresa para rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamangha ang pagmamalasakit na ginawa ng ilang grade 12 students para sa kanilang guro.

Binahagi ng Service Rants and Raves ang nakakaantig na video kung paano isinagawa ng grade 12 students ang surpresa para sa teacher.

Napansin kasi ng mga ito na sira na ang sapatos ng guro kaya naisipan nilang mag-ambagan para maibili ito.

Nalaman din nila na may sakit pa pala ang anak ng guro kaya marahil di ito basta makabili ng sariling gamit gaya ng sapatos.

Bilib din ang mga estudyante kay 'sir' dahil sa nilalakad daw nito sa loob ng halos isang oras ang pagpasok sa paaralan.

Matinding sakripisyo ang ginagawa ng guro na nais lamang daw masuklian ng kanyang mga estudyante na may mabubuting kalooban.

Maluha-luha ang guro nang mabuksan ang kahon at labis ang pasasalamat nito sa mga bata.

"Syempre love ka namin sir," ang nasabi pa ng isa sa kanyang mga estudyante.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Mula pa raw kasi noong grade 9 pa lang ang ngayo'y mga grade 12 na ito, malaki na raw ang naitulong ng guro sa kanila. Maliit na bagay lamang daw ang surpresang iyon kumpara sa mga nagawa ng guro para sa kanilang pag-aaral.

At dahil grade 12 na raw sila, ito raw ang magsisilbing remembrance nila sa pinakamamahal na guro na tiyak na di sila malilimutan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, may napansin sa larawan ni Catriona Gray at ng isang pamilya

Netizens, may napansin sa larawan ni Catriona Gray at ng isang pamilya

Netizens, may napansin sa larawan ni Catriona Gray at ng isang pamilya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel