Online couple, binigyan ng pagkakataon ni idol Raffy na mag-meet in person

Online couple, binigyan ng pagkakataon ni idol Raffy na mag-meet in person

- Dahil sa reklamo ng isang lalaki ay nagkaroon ng katuparan na makita nito sa personal ang kanyang nobya na 'di pa niya nakikita

-Matapos na magkausap ang dalawa on air ay pinangakuan sila ni Raffy Tulfo na pagkikitain silang dalawa at sagot pa nito ang lahat ng gastos

-Umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magkakaroon na ng katuparan ang inireklamo ng lalaking si Julito Ibañez na hindi daw pagtupad ng kanyang nobya na makipagkita sa kanya.

Dahil sagot na ni Raffy Tulfo ang pamasahe ng kanyang nobyang si Joan Blanco na nasa Cebu.

Ayon kay Julito na isang construction worker, humingi umano sa kanya ng pera na umabot sa P8,000 ang nobyang si Joan.

Usapan daw nila na magkikita sila kaya nang humingi ito ng pamasahe ay pinadalhan niya ito.

Ngunit hindi daw tumupad ang nobya na hindi pa pala niya nakikita sa personal at naging kasintahan lang sa chat.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Nang makausap naman si Joan ay itinanggi nito na humingi siya ng pera kay Julito at sinabing kusang-loob itong ibinigay sa kanya ng nobyo.

Ganunpaman, sumang-ayon naman ito na makipagkita kay Julita sa tulong ni idol Raffy kasama ang anak nito.

Maging ang accomodation nito sa hotel ay sasagutin na rin ng sikat na mamamahayag.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umani naman ito ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens.

"Pero parang nag dadalawang isip si girl...I'm not convince na mahal tlga sya ni girl..kaya lang nya sinabing mahal nya si guy para hindi bawiin yong perang pinadala sa kanya..at nag samantala sya sa offer ni sir Raffy."

"Gwapo nmn c kuya my edad n ngalang. Naku my bagong ikakasal ngyon c sir raffy. Excited ako sa kasal."

"Feeling ko may ibang bf tong si ate gurr."

"hahaha ito.lng ang sumbong na nkakilig. joker sir Raffy ihanda ang manok."

"Excited n q sa part 2 idol raffy."

"Itigil ka kc yang relasyon sa social media SHALLOW kasi ang pagmamahal pagdatng dyan mas malaki ang percrntage na maloloko kayo."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over the Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and asked people if they can recognize them – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel