Batang bulag ang 1 mata, nag-ipon ng pampacheck up mula sa P10 baon kada araw

Batang bulag ang 1 mata, nag-ipon ng pampacheck up mula sa P10 baon kada araw

- Nadurog ang puso ng isang ginang nang madiskubre niyang palihim na nag-ipon ang kanyang anak para sana mapa-check up ang isa nitong mata

- Ayon sa Facebook post ng ginang, bulag ang isang mata ng bata at nag-aalala ito sa kanyang kinabukasan

- Mula sa P10 baon nito araw-araw ay ilang beses nitong tiniis ang sarili para makapag-ipon ng sapat na halaga para mapatingnan sa doktor ang mata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nadurog ang puso ng ginang na si Crisalyn Moreno nang madiskubre na mula sa P10 baon ng kanyang anak ay nagawa nitong palihim na mag-ipon.

Ayon sa Facebook post ng ginang, nag-ipon ang bata upang maipa-check ang isa nitong mata na anito ay hindi nakakakita.

Ramdam ang pighati sa post ng ginang dahil sa kakulangang hindi nito mapunan dahil sa kahirapan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

"SORRY ANAK!!!!

"Nakaka durog nman Ng puso ang anak ko pinapagalitan ko lagi pag nkikita kong malinis Ang tasa niyang dinadala sa school dahil inisip ko binibili niya lng Ng Kung ano2x Ang bnibigay Kong 10 araw2x para sa soup niya....Un pala iniipon na niya para mapa check up na ung mata niya."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nangangamba daw ang bata sa kanyang kinabukasan dahil sa kapansanan sa isang mata.

Nangangarap pa man din ang musmos na ibili ang kanyang mga magulang ng sasakyan kapag laki nito.

Maging ang mga netizens ay hindi maiwasang maawa at humanga sa bata. Dagsa rin ang mga netizens na nais tumulong sa mag-ina.

"Sana madiskobre ni idol sir Raffy Tulfo ang kwento mo at matulungan ka nya.God bless."

"Ilan taon n sya sis kakatuwa naman sya s gnyang ided nya naiisip n nya mg ipon para sknya at para makatulog sayo sis."

"Npahanga aq n may kaakibat n awA, sana gumling k God Bless you."

"Very good bebe...wag ka mag-alala may tutulong sayo..mapapacheck-up mo rin yang mata mo."

"Kaka durog ng puso ang batang toh may pangarap."

"ate wag u mag alala may mabuting loob na tutulong sa inyong mag ina. always pray to god."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over the Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and ask people if they can recognize them – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel