OFW na mula sa mapang-abusong relasyon, nakahanap na ng "true love"

OFW na mula sa mapang-abusong relasyon, nakahanap na ng "true love"

- Binahagi ng isang OFW ang kwento ng kanyang buhay na dumaan sa matitinding pagsubok

- Bagaman at nakaranas ng mapang-abusong karelasyon, nagising naman siya at natauhan sa ganoong klaseng sitwasyon

- Maswerte siyang nakabangon at nakahanap ng lalaking tunay na magmamahal at magpapahalaga sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na binahagi ng OFW na si itago na lamang daw natin sa pangalang "Queen."

Tila naging mapaglaro ang tadhana kay Queen at dumaan ito sa matitinding pagsubok sa buhay.

Naranasan kasi niyang tumagal sa isang realsyon kung saan nagagawa siyang saktan ng pisikal ng kanyang kinakasama. Nangyayari raw ito noon kahit na siya ay nagdadalang-tao sa kanilang anak.

Hanggang isang araw, tila natauhan na siya sa mga pangyayari at alam niyang kinailangan niyang kumawala sa ganoong klaseng relasyon.

Sakto naman na ito na rin ang hudyat ng pagkakakilala niya sa lalaking tunay na magmamahal at pinakasalan pa siya.

OFW na mula sa mapang-abusong relasyon, nakahanap na ng "true love"

Si Queen, kasama ang kanya na ngayong mister noong sila ay pinag-isang dibdib
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Queen na kanyang binahagi sa KAMI:

"Nagsimula lahat ng nangyare sa buhay ko ng magmahal ako ng lalaking nakilala kolang sa text. Oo wala pa onemonth sumama na agad ako saknya.. Dahil napamahala agad ako syempre ganun naman tlga kapag inlove ka eh. Nagsama kami dec 2013 masaya ako syempre dahil. Kahit papano ok naman sya.. Masipag sa trabaho, sabi ko sa sarili ko mukang kahit di kami gaanong magkabisado ng ugali mabait namn.

Hanggang sa dumating yung point na napapansin kong nagiging iba na sya, konting pagtatalo nananakit sya kahit alam pa niyang buntis ako, may times na pinapahiya nya ko, masakit sakin dahil nagtiwala akong magiging ok pagsasama namin. Ilang beses kodin binalak na maghiwalay kami kaso diko kaya, hanggang manganak ako at babae ang naging anak namin. Akala ko magiging ok na yun pala hindi.. Alam nyang bagong panganak ako iiwanan niya lang ako na mainit na tubig tapos ako pa magpapaligo maglalaba ng damit hindi niya naisip na baka mabinat ako. Pero tiniis kong lahat yun dahil mahal ko nga sya, diko rin masumbing sa magulang ko dahil alam kong papagalitan nila ko. Dumating nga ang point na nabinat ako, nanigas buong katawan ko, pero kahit konting aruga wala padin saknya mas gusto niyang magbasketball palibhasa bihasa sya dun. Ako paralisado sumisigaw nalang ako para marinig nang kapatid niya at malaman na wala akong kasama dun, partida ako pa nag aalaga ng anak namin nagpapadede pako, binubuhat nalang ako ng kapatid nya para makaupo at makakain..Umabot kami ng 7years na puro sama ng loob ang inabot ko.

May times tinatanong ko sya kelan moko papakasalan mamagalit pa siya at ipapahiya pako, lalo pag lasing bugbog inaabot ko hanggang ilan taon na anak namin nakikita pa ng anak niya.. Nag abroad ako napaayos ko bahay namin lahat ng effort ginawa ko saknya akala ko magiging ok na yun pala nambabae pa alam naman niya january 2017 uuwi ako. Nagsorry sya ako nmn si tanga tinanggap ko tumagal uli ng taon pagsasama nmin kaso wala talaga siyang pagbabago, hanggang isang araw natauhan nalang ako at iniwanan ko siya ng biglaan sumama ako sa taong nagpahalaga sakin ng totoo.

Bagong sama lang kami nung January 2019..lahat ng diko dinanas sa unang asawa ko pinadama niya minahal niya akong buong buo. Tinuring na asawa at sa awa ng diyos pinakasalan niya ko nitong april lang nagpapasalamat ako dating mga matang maga dahil sa luha ngayon masayang titig na.. Dating mukang punong puno ng pasa ngayun masiglang muka na. Sa ngayun nasa singapore ako at siya nasa pinas kasama ng mama ko. Marami kaming plano at salamat sa diyos na sa 7years kong pagtitiis sa taong di ako pinahalagahan binigyan niya ako ng mas higit pa.. Kaya sa mga taong naghahanap ng forever diyan wag nyo hanapin kusang dadating"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel