Lalaking nawalan ng trabaho, nagtiyagang mamigay ng kanyang resume' sa kalsada

Lalaking nawalan ng trabaho, nagtiyagang mamigay ng kanyang resume' sa kalsada

- Dahil sa pagkakatanggal sa trabaho, kinailangang maghanap ng bagong mapapasukan si Patrick Hoagland

- Sumubok na siyang mag-apply online ngunit inabot na ng ilang linggo kaya di na siya pumayag na maghintay na lamang sa kanilang bahay.

- Isang netizen ang nakakita sa kanya at binahagi ang nakaka-inspire na kwento ng lalaking ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang diskarte sa buhay ni Patrick Hoagland ng Phoenix, Arizona.

Bagaman at nawalan ng trabaho bilang forklift operator sa isang metal recycling company, di roon tumigil ang kanyang mundo.

Ayon sa ulat ni Allen Kim ng CNN, sumubok na agad na mag-apply online ni Patrick ngunit hindi siya makali at ilang linggo na rin siyang walang pinagkakakitaan.

Kaya naman di siya nagdalawang isip na diskartehan na ang kanyang sitwasyon.

Nag-print siya ng 200 kopya ng kanyang resume' at lumabas ng kanilang bahay upang mamigay nito sa mga dumaraang motorista.

Noong una, naisip niyang magiging katawa-tawa ang kanyang gagawin. Ngunit dahil sa nangibabaw ang pagnanais niyang makahanap ng trabaho, ginawa pa rin niya ito.

Di inakala ni Patrick na may mga magkaka-interes namang kumuha ng kanyang resume'.

Isa na rito si Melissa DiGianfilippo na may-ari ng isang marketing at PR agency.

Humanga siya sa diskarte ni Patrick. Di kasi alintana sa lalaki ang init sa labas at nagagawa pa nitong ngitian ang sinumang makikita niyang motoristang dumaraan.

Di man niya mabigyan ng trabaho si Patrick dahil sa walang akma mula sa kanyang kompanya, binahagi na lamang niya sa kanyang Twitter ang pagkabilib sa lalaki.

Sa tulong ng post ni Melissa sa iba't-ibang social media, dinagsa ng libo-libong job offers si Patrick.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit sa dami ng mga ito, nakapili pa rin si Patrick ng akma sa kanyang kakayahan at ito ay ang Flatline Concrete Grinding na doon lamang din sa Arizona.

Parehong may natutunan sina Melissa at Patrick sa pangyayaring ito at dahil doon, nagkaroon sila ng panibagong pananaw sa buhay.

"I think in general this is a good reminder for people that it takes just a few minutes sometimes out of your day to really change someone's life or make their day better," pahayag ni Melissa.

"She has been so great, she didn't need to help me, but she did and it has changed my life," he said. "I am so grateful for her," ayon naman kay Patrick.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Babaeng nagka-brain injury, papakasalan muli ang asawang kanyang nakalimutan

Babaeng nagka-brain injury, papakasalan muli ang asawang kanyang nakalimutan

Babaeng nagkaroon ng brain injury, papakasalan muli ang asawang nakalimutan na niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel