Angkas, "nag-sorry" dahil sa kontrobersyang dulot ng kanilang malaswang promo

Angkas, "nag-sorry" dahil sa kontrobersyang dulot ng kanilang malaswang promo

- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Angkas ukol sa 'malaswang' promo nilang ikinabahala ng publiko

- Imbis na makahikayat ng pasahero, tila nangamba ang mga ito maging ang mga dati nang tumatangkilik sa kanila

- Maging ang PNP ay naalarma sa promo na binahagi sa pamamagitan ng isang Tweet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng labis na ingay ang Angkas matapos nilang mag-tweet tungkol sa isa nilang promo.

Ang masaklap nito, imbis na mahiyakat ang mga pasahero na sumakay sa kanila, tila 'nabastusan' ang karamihan at sinasabing ito raw ay 'malaswa.'

Dahil dito, naglabas ng opisyal na pahayag ang angkas at humingi sila ng tawad at paumanhin dahil sa tweet na ikinasama ng kanilang imahe.

Sa nilabas na pahayag, inamin ng Angkas na nagkamali sila sa pagpaskil ng ganitong uri ng promotion.

Bagaman at kaligtasan ang numero unong prioridad ng app na ito, tila naisantabi ito dahil sa iba ang naging dating ng kanilang promo lalo na sa mga dati na nilang taga-tangkilik.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sadya lamang daw na "playful and funny" ang kanilang media team.

Sa pagtatapos ng kanilang nilabas na pahayag, muli silang 'nag-sorry' at sinigurong ang kaligtasan lamang ng kanilang mga pasahero ang nais nilang pagtuunan ng pansin sa naturang promo.

Samantala, maging ang Philippine National Police ay nagpahayag na hindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng promotion.

Magsilbing aral ito sa atin, at isaisip na may maga bagay na sadyang hindi dapat basta-bastang isa-publiko.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel