80-anyos na lolo, naglalakad ng nasa 20 kilometro araw-araw para magbenta ng bagoong

80-anyos na lolo, naglalakad ng nasa 20 kilometro araw-araw para magbenta ng bagoong

- Marami ang nahabag sa sitwasyon ng lolo na sa edad na 80 ay nakuha pa nitong maghanapbuhay

- Nasa 20 kilometro ang nilalakad niya araw-araw sa kanyang paglalako

- Nakakalungkot lamang ding malaman na sa kabila ng kanyang pagsusumikap sa araw-araw, ₱50 lamang daw ang kinikita nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang 80-anyos na lolo na naglalako ng bagoong sa Pandi Bulacan.

Ayon sa Rachfeed, nakilala ang matanda na si Mang Lauro na araw-araw dala-dala ang isang timba niyang bagoong o shrimp paste.

Araw-araw din, nasa 20 kilometro ang nilalakad nito sa paglalako.

Di niya magawang sumakay dahil kakarampot lamang ang sinsahod niya na halos di magkasya sa kanyang maghapon.

80-anyos na lolo, naglalakad ng nasa 20 kilometro araw-araw para magbenta ng bagoong
source: Trending viral videos
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Isa pang nakadurog ng puso ng mga netizens ay nang malamang 80-anyos na si tatay Lauro ngunit nagagawa pa rin nitong maghanap-buhay.

Habang ang ilang senior citizens ay nagrerelax at nag-e-enjoy na sa kanilang retirement, Nakalulungkot lamang isipin na kinakailangan pang magtrabaho ni tatay Lauro kahit pa sobrang liit na ng halagang kinikita.

Kaya naman, walang ibang hiling ang mga netizens na nakabasa sa kwento ni tatay Lauro kundi ang matulungan siya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? |

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel