OFW na 'di inuwian ang pamilya, yayakapin na lang daw ng mga anak sa kulungan

OFW na 'di inuwian ang pamilya, yayakapin na lang daw ng mga anak sa kulungan

- Nag-iyakan ang dalawang anak ng isang OFW dahil sa pang-aabandona sa kanila nito

- Giit pa ng mga ito, may iba na daw lalaki sa buhay ang kanilang nanay kaya hindi na ito umuwi sa kanila

- Samantala, nabigyan naman ang mga ito ng biyaya mula sa isang OFW na nagdonate para sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Wala nang nagawa ang dalawang anak ng isang overseas Filipino worker (OFW) kundi ang humingi ng tulong sa programang Wanted sa Radyo.

Nais sana nilang makausap ang kanilang nanay na si Jocelinda Deondo na dating OFW at matagal na daw nilang hindi nakakausap.

Giit pa ng mister ni Jocelinda na si Rollito Deondo, noon pang Mayo nakauwi mula sa Riyadh ang ginang ngunit hindi naman ito umuwi sa kanila.

Ayon pa sa mag-aama, mayroon nang ibang lalaki ang kanilang ilaw ng tahanan at magkasama na ang mga ito ayon sa kamag-anak nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Kwento pa ng mga bata, noon pa mang bago umalis ang kanilang ina ay napansin na nila ang pagbabago nito.

Naging pala-ayos na daw ito at nagsusuot na ng mga sexy na damit.

Mayroon pa daw itong ipinakitang larawan ng lalaki sa anak nitong dalagita at sinabing ang lalaking iyon ay may gusto daw dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Mariin naman itong itinanggi ni Jocelinda at sinabi pang sinasaktan siya ni Rollito na pinasinungalingan naman ng mga anak nila.

Hindi rin kumbinsido si Raffy Tulfo sa mga sinabi ni Jocelinda kaya naman nangako ito ng tulong sa mag-aama.

Sa huli, napagdesisyunan ng mga ito na sampahan na lamang ng kaso ang ginang at ang lalaki umano nito na kinilalang si Romnick Taol.

Samantala, isang OFW naman ang nagmagandang-loob na tulungan ang mag-aama at nagbigay ng tulong pinansiyal para rito.

Hindi rin nakalimot si idol Raffy at nangako itong ipapa-ayos ang bahay ng mga ito.

Narito ang buong kwento: NANAY NILANG SUMAMA SA IBANG LALAKI, GUSTO NILANG MAYAKAP SA LOOB NG KULUNGAN!

READ ALSO: You Can Play the World’s Biggest Lottery, and It’s Totally Safe, Secure & Legit

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognise Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and ask people if they can recognise them – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel