Mayor Abby Binay, magbubukas ng trabaho para sa mga senior citizens sa Makati subway project

Mayor Abby Binay, magbubukas ng trabaho para sa mga senior citizens sa Makati subway project

- Magsisimula na ang Makati subway project ng lungsod na pinamumunuan ni Mayor Abby Binay

- Sa 10,000 magbubukas na mga trabaho, kasama dito ang ang pagkakataong makapagtrabaho muli ng mga senior citizens

- Tulad ni Manila mayor Isko Moreno, bibigyang oportunidad na magkaroon ng maayos na hanapbuhay ang mga senior citizens na nangangailangan pa ring kumayod upang buhayin ang sarili at pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pirmado na ang joint venture agreement ng Philippine Infradev Holdings, Inc at Mayor Abby Binay ng Makati sa pagsasagawa ng subway project sa lungsod.

Ayon sa CNN, Disyembre pa noong nakaraang taon nang magkaroon ng ground breaking ceremonies na hudyat simula ng proyektong ito.

Bubuuin ang 10 isatasyon na subway na magkokonekto sa iba't-ibang key destinations ng lugar tulad ng Ayala Triangle, city hall, Circuit Makati at maging University of Makati.

Sa ulat naman ng Inquirer, nasa 10,000 trabaho ang magbubukas sa pagsasagawa ng subway na ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Kabilang na raw dito ang pagbibigay ng oportunidad na magkaroon ng maayos na hanapbuhay ang mga senior citizens ng lugar na nangangailangan pa rin ng pagkakakitaan.

Kinumpirma ito sa isang post ng My Makati sa Facebok ngayong Hulyo 30.

Tulad ni Mayor Isko Moreno ng Maynila sa naunang ulat ng KAMI, pahihintulutan ng alkalde ng Makati na mag-hire ng mga senior citizens sa mga posisyon na naaangkop sa kanilang kakayanan.

POPULAR: Read more viral stories here

READ ALSO: You Can Play the World’s Biggest Lottery, and It’s Totally Safe, Secure & Legit

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel