Part 3 ng kasal na nauwi sa iyakan at kay Tulfo, trending sa social media

Part 3 ng kasal na nauwi sa iyakan at kay Tulfo, trending sa social media

- Matapos mag-viral ang Part 1 at Part 2 ng kuwento ng isang kasalan na nauwi sa Tulfo ay lumabas na ang iniintay na Part 3 nito

- May naging pag-amin ang kapatid na babae ni groom tungkol sa girlfriend nito

- Handa raw magpatawad ang ina ng groom pero hindi niya kayang patawarin ang girlfriend ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinag-usapan sa online world ang kuwento ng mag-inang sina Bernadeth Andrade at anak na lalaki nito na si Junard.

Naikuwento sa Part 1 ang nangyaring scam sa kasal sana nina Junard at Apple kaya hindi ito natuloy.

Pero dahil sa kahihiyan ng magkasintahan, itinuloy nila ang reception sa ibang hotel na ikinagalit naman ni nanay Bernadeth at anak na babae nito na si Jhonadette Johnson, na ate ni Junard.

Ayon sa kanila, hindi raw dapat inuna ng magkasintahan ang reception kundi dumiretso sa pulis para ipa-blotter ang wedding coordinator na nanloko sa kanila.

Sa Part 2 ay mapapanood naman na humarap na kay nanay at kay ate ang girlfriend ni Junard na si Apple.

Nilinaw nina Apple at Junard na sinabihan nila sina nanay at Jhonadette na nalipat na ang reception sa isang hotel sa Quezon City pero ayaw na raw nilang pumunta dahil napahiya na sila.

Humingi rin ng tawad si Apple kay nanay at ate pero hindi nila ito tinanggap.

Nalaman ng KAMI na sa pagtatapos naman ng kanilang kuwento ay muling nagharap-harap sa Barangay sina Junard at ang kanyang nanay at kapatid.

Dito ay pinag-usapan na nila kung paano ang mangyayaring pagbabayad sa naging mga utang sa kanila nina Apple at Junard.

May bagong pasabog din ang Ate ni Junard sa behind-the-scenes ng mga nakaraang episodes kung saan sinasabi niya na nagkaroon ng ibang karelasyon si Apple nang magpunta ito sa Qatar para magtrabaho.

Pero ayon kay Junard, wala raw itong katotohanan.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa pagtatapos ng kanilang kuwento.

"your mother will be always your mother, your wife can be a wife of everyone."
"Give it 1 to 2 years, papalitan ka Kuya ni Apol na Sakim! Remember Kuya, may record na pala sya sa Qatar. Once a cheater is always a cheater!"
"Dear kalbo.. Never believe anything someone else tells you. Na brainwashed ka lang sa GF mo!!! Never hurt your Mother, nothing is more painful than seeing tears in her eyes."
"Ma pride ang male family side. See the logic? At sa sitwasyon na ayun, sa dami ng problema at iniisip makakaisip k p b ng matino? Buti nga nakahanap p sila ng venue para ma tuloy ng ang reception, kaso ayaw ng male side, kasi nga ma PRIDE!"
"mga hype nato. bat pa kayo nagpunta jan kung ayaw niyo naman palang makipag bati. naku baka may part4 pato tae tae may asawa na yang lalaki kaya hayaan niyo na. pamilyado na tapos pinaghihimasokan pa ng kapatid at ina. nako apple matakot kana"
"Kau naman pati pamasahe nyo at pag stay nyo ipasagot nyo pamilya ba kau bwisit Din e"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, sobrang na-high blood ang maraming netizens kay mister at sa 'warfreak' nitong kabit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Public Pranks, our team tricked people with the razor prank! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel