23-anyos na anak, emosyonal na nag-post patungkol sa hinahanap na ina

23-anyos na anak, emosyonal na nag-post patungkol sa hinahanap na ina

- Binahagi ng isang anak ang larawan ng kanyang ina na matagal nang di umuuwi sa kanila

- Kalakip nito ang emosyonal na post dahil sa pananabik na makita muli ang kanyang ina

- 18 taon na raw ang lumipas at di na ito muling umuwi sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng netizen na si Stephanie Honrado patungkol sa kanyang inang matagal na nilang hinahanap.

Sadyang nakakadurog ng puso ang post ng anak na ito dahil 18 taon na nilang di nakikita ang ina.

Panganay daw si Stephanie at 23-anyos na siya, ngunit hanggang ngayon ay di pa rin bumabalik ang matagal na nilang hinihintay na inang si Nora Valida Mediona.

Sa tagal, mayroon na raw mga apo ang nawawalang ina kaya naman mas lalong dumami ang mga nagnanais na makita at makilala ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Binahagi ni Stephanie ang post upang mas mapabilis ang kanyang paghahanap sa ina.

Nasabi rin niyang maaring nasa Tarlac o Isabela province ito.

Nakikiusap din ang anak na sana'y mai-share ang kanyang post sa pagbabaka-sakaling makarating ito sa kanyang ina at makabalik pa ito sa kanilang tahanan.

Di nawawalan ng pag-asa si Stepahnie na kahit matagal na panahon na ang lumipas, naniniwala siyang buhay ang kanyang mama at makakasama niya muli ito.

POPULAR: Read more viral stories here

READ ALSO: You Can Play the World’s Biggest Lottery, and It’s Totally Safe, Secure & Legit

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel