Nadine Lustre, nagsalita na tungkol sa pag-atras sa ‘Miracle in Cell No. 7’

Nadine Lustre, nagsalita na tungkol sa pag-atras sa ‘Miracle in Cell No. 7’

- Nadine Lustre, binasag ang katahimikan at nagsalita na tungkol sa pag-atras sa 'Miracle in Cell No. 7'

- Ito ay pagkatapos pumutok ang balitang si Bela Padilla ang papalit kay Nadine sa pelikula

- Ipinaliwanag ng Viva artist ang tunay na dahilan ng kanyang pag-back out

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nadine Lustre, nagsalita na sa tunay na dahilan ng kanyang pag-atras sa Pinoy remake na 'Miracle in Cell No. 7,' at naispatan ng KAMI ito.

Sa panayam ni Nadine sa entertainment press ay ipinaliwanag niya kung bakit umatras siya.

Aniya:

“Pang third movie ko na po kasi this year ‘yun if ever, so I really felt that I needed a break."

Dugtong pa niya:

“Kasi medyo na bu-burnout na din po ako kasi naka-dalawang pelikula na ako this year. Mahirap din po na gumawa ng pelikuka kasi other than shooting, meron pang promotions. So since it's an MMFF Film, parang naisip ko na baka maging masyado ng hectic 'yung schedule, mahihirapan din po ako na, at the end of the day, ayaw ko naman pong parang umayaw, dahil pagod ako at burnout ako."

Patuloy na paliwanag ni Nadine na maganda ang project pero mas importante sa kanya na uunahin niya ang kanyang sarili at ang kanyang kalusugan.

“I’m not rushing naman po e, hindi naman po ako nagmamadali. Yes I mean it's a good project but to say na wala nang darating na magandang project in the future... para sa akin, uunahin ko lang 'yung sarili ko and health ko.”

At naintindihan naman daw ito ng Viva.

“They completely understand, even sa VIVA, when I told them about it na parang gusto ko po magpahinga. Kasi sobrang exhausting naman po ng dalawang magkasunod na movies and promo pa, and naiintindihan naman nila. And they understand kung gaano naging ka-hectic ang schedule ko for the past few months. Ever since nag-start 'yung year sunod-sunod na po ako, so they felt that I needed a break din po.”

Masaya naman siya na si Bela Padilla ang pumalit sa kanya.

“I’m really happy kasi Bela [Padilla] is a good actress, she’s also a good writer and she takes what she does seriously and she loves it and it shows naman po. Okay naman po, I’m happy that it's Bela."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

READ ALSO: You Can Play the World’s Biggest Lottery, and It’s Totally Safe, Secure, and Legit

Nadine Lustre, nagsalita na tungkol sa pag-atras sa ‘Miracle in Cell No. 7’

Source: Instagram/Bela Padilla/Nadine Lustre
Source: Instagram

Una ng pumutok ang balitang papalitan ni Bela Padilla si Nadine Lustre sa papel na gaganapan nito sa Pinoy remake ng Korean hit film na 'Miracle in Cell No. 7.'

Una naming naispatan ang balita sa push.com.ph at spotted namin ang naturang interview sa YouTube channel ni Jefferson Fernando ng entertainment news ng ABSCBN News and Current Affairs.

Watch the interview below:

Nadine Lustre, isa sa pinakasikat na aktres sa showbiz at itinanghal na Best Actress sa ikatlong pagkakataon sa taong ito para sa pelikulang 'Never Not Love You' kasama ang kanyang better half ng JaDine loveteam at real-life beau na si James Reid.

POPULAR: Read more news about Nadine Lustre here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask Tricky Questions to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel