Tutang sinikap na sagipin sa loob ng kotse, laruan lamang pala

Tutang sinikap na sagipin sa loob ng kotse, laruan lamang pala

- Isang laruan na inakalang buhay na tuta ang 'sinagip' sa nakasaradong kotse

- Nag-grocery lamang ang may-ari ng sasakyan at laking gulat niya nang makitang basag na ang salamin ng kanyang kotse

- Inakala kasing na-trap sa loob ang 'tuta' na wala naman palang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inakalang na-trap ang isang tuta sa loob ng nakasaradong kotse. Mataas pa naman ang temperatura ng sasakyan.

Isang tao ang nakakita sa tuta at di pa raw ito nagdalawang isip na basagin ang salamin sa bintana ng sasakyan.

Ngunit nang makuha ang tuta, doon lamang nalaman ng mga ito na di pala totoo at ito'y laruan lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman nang bumalik ang may-ari ng kotse, magkahalong galit at pagkagulat ang naramdaman nito sa pangyayari.

20-minuto lamang nawala ang lalaki na nag-grocery pala. At nang siya nga ay bumalik, ito naman ang sumambulat sa kanya.

Ang laruan na tuta ay mula sa Perfect Petzzz na gumagawa talaga ng mga laruang parang totoo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel