Babaeng di umano'y na-kidnap, nasagip dahil sa "note" na inabot sa crew ng pizza resto

Babaeng di umano'y na-kidnap, nasagip dahil sa "note" na inabot sa crew ng pizza resto

- Nasagip ang isang babaeng di umano'y kinidnap daw ng kanya mismong mister

- Pinayagan ang babae na kunin ang kanilang pina-takeout na pizza kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon na humingi ng tulong

- Natukoy ng pulisya ang kinaroronan ng mag-asawa at nasakote ang mister na nahuli ang pagmamaltrato sa misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 32-anyos na babae sa Anthony, Texas ang nasagip sa pagmamaltrato at di umano'y pag-kidnap sa kanya ng sarili niyang mister.

Ayon sa Yahoo news, pinayagan umano ang babae na kunin ang takeout nila ng kanyang mister Domino's pizza noong Lunes, Hulyo 22.

Naisip na agad ng babae na isa itong oportunidad upang makahingi ng tulong sa kanyang kalagayan.

Kaya naman nang kinuha nito ang pizza, nag-abot siya ng 'note' sa crew tungkol sa kanyang sinsapit sa mister.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi niya sa maiksing liham na dinakip umano niya ng kanyang mister kahit pa labag na ito sa kanyang kalooban.

Agad namang naitawag ng Domino sa pulisya ang paghingi na ito ng tulong ng babae.

Ayon pa kay Police Chief Carlos Enriquez, bandang ala una na nang madaling araw noong Hulyo 23 nang sila'y ay makarating sa kinaroroonan ng babae na nasa walong milya ang layo sa pizza parlor.

Nakita nila ang babae na bugbog sarado at halos bangag na sa sobrang pananakit na kanyang sinapit mula sa mister.

Nakilala ang mister nito na si Roberto Dominguez na nasa kustodiya na ng New Mexico Police. Haharap ito sa kasong domestic violence at kidnapping.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel