Gurong todo sa paghataw sa kanilang morning exercise, kinagiliwan ng netizens

Gurong todo sa paghataw sa kanilang morning exercise, kinagiliwan ng netizens

- Viral ang video ng isang guro na namumuno sa kanilang morning exercise

- Natuwa ang mga netizens sa nakakaaliw na pagsayaw ng guro

- Umabot na sa mahigit 345,000 views ang naturang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa video ng isang guro na todo hataw sa pagsasayaw ng kanila raw morning exercise.

Binahagi ng Facebook 'Hugot pa Teacher' ang nakakatuwang video ng guro na siyang namumuno pa sa pagsayaw.

May caption ang post na 'Yung ganadong-ganado si sir sa morning exercise! Lalaban ka pa ba?'.

Todo hataw at todo kembot si sir kaya naman maging ang kanyang mga estudyante ay di rin nagpahuli sa sayawan.

Ang masaya pa rito, nang i-focus ang camera sa iba pang mga guro, todo hataw din ang mga ito na tila nahawa na kay sir na namumuno.

Di alintana ang init sa labas dahil mapapansing nag-e-ehersisyo sila sa open field.

Kaya naman ilang netizens ang nagsabi na sana raw ay guro nila si sir para naman ganado rin silang pumasok sa eskwela.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito pa ang ilan pa sa kanilang mga komento:

"Hindi ko kinaya ang bewang ni sir. Ang galing galing. Hehehe"
"Yan ang mga teachers saludo ako sa inyong lahat"
"Go teacher para ganado ang mga students mag aral talented talaga ang mga teachers"
"This is just one of the reasons na sana taasan naman ang sweldo ng mga teachers..they work and sweat beyond their duties and responsibilities. Yung ibang work nadadala pa nga sa bahay kasi di na matapos tapos. To you Sir nakakatuwa ka po kudos!"
"Galing ni Sir, keep it up po para inspired din ang mga students sa pag exercise."
"Galing naman ni Sir, nakakagana tuloy mag exercise"

Umabot na sa mahigit 345,000 views ang naturang video at 4,500 shares.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel