Claire Dela Fuente, naaksidente sa sariling restaurant

Claire Dela Fuente, naaksidente sa sariling restaurant

- Ibinahagi ng singer na si Claire dela Fuente sa Facebook na siya ay naaksidente

- Nangyari iyon sa sarili niya mismong restaurant nang nabiyak ang glass door sa entrance

- Wala naman diumanong ibang nasugatan sa mga tauhan niyang tumulong sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng batikang mang-aawit na si Claire dela Fuente ang aksidente at pinsalang tinamo nang nabiyak ang salamin sa pinto ng kanyang restaurant.

Ayon sa kanyang post na ibinahagi sa Facebook, hawak niya ang bahagi ng nabiyak na salamin samantalang, nakakabit pa rin sa itaas ang kabilang bahagi. Mabuti na lamang at hindi umano siya nabagsakan sa ulo dahil baka mas malala ang tinamo niyang pinsala kung nagkataon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Had an accident just ds midnite in our resto . Nabiyak ang glass door sa front entrance.. i was holding the other half of the door and the other half was still hanging sa itaas .. naisip ko kung bumagsak un sa ulo ko sigurado putok ang ulo ko or maybe worse.. i thank you Lord na di ako nadisgrasya

Wala naman diumanong nasugatan sa kanyang mga tauhan na tumulong sa kanya. Ngunit may tinamo siyang pasa sa nangyari kaya binigyan siya ng first aid ng isang kaibigan niyang doktor na nadoon din sa restaurant nang mangyari ang aksidente.

Si Clarita Crisostomo Dela Fuente-De Guzman, o mas kilala sa kanyang screen name na Claire de la Fuenteay isang Filipino singer na sumikat noong dekada 70. Binansagan siyang "Asia's Sweetest Voice" dahil sa kanyang magandang boses.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel