Joshua Garcia, nilinaw ang dahilan ng pagbibigay niya ng suporta sa ex-girlfriend

Joshua Garcia, nilinaw ang dahilan ng pagbibigay niya ng suporta sa ex-girlfriend

- Matapos masangkot sa kontrobersiya at pambabatikos ng netizens, nagpahayag ng suporta si Joshua Garcia sa kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto

- Ibinahagi ni Julia sa kanyang Instagram Stories ang pinadalang mensahe ni Joshua

- Ayon sa binata, sinuportahan niya ang dating girfriend bilang isang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Julia Barretto ang naging mensahe ni Joshua Garcia sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories. Ito ay matapos makatanggap siya ng katakot-takot na pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa pagkakadawit niya sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Paliwanag ni Joshua, bilang kaibigan ng aktres ay suportado niya ito lalo at matindi ang kanyang pinagdadaanan sa kasalukuyan.

"Kaibigan ko siya eh, hindi naman siguro masama na ibigay ko 'yung suporta ko sa kaniya, kumbaga kalimutan muna natin 'yung problema, andito ako bilang kaibigan mo hindi para kung ano man," saad niya sa isang press con ng teleseryeng "The Killer Bride".

Sa ka-una-unahang pagkakataon ay nagsalita din siya tungkol sa nasabing isyu.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag sina Julia at Gerad tungkol sa isyu.

Nakilala si Joshua Garcia bilang Tatay’s Boy ng Batangas nang sumali siya sa Pinoy Big Brother teen edition. Lumaki siya at ipinanganak sa Bauan, Batangas. Nagsimulang mapansin ang kanyang galing sa pag arte nang mapabilang siya sa ilang teleserye kagaya ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, The Greatest Love at The Good Son kung saan laging naging usap-usapan ang husay niya sa pag-arte. Ginawaran siya ng pagkilala sa kanyang galing sa pag arte sa kanyang naging pagganap sa pelikulang Vince and Kath and James sa 33rd Star Awards for Movies.

POPULAR: Read more about Joshua Garcia here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel