27-anyos na dating OFW, matagumpay na negosyante na ngayon

27-anyos na dating OFW, matagumpay na negosyante na ngayon

- Binahagi ng isang dating OFW ang kanyang nakamamanghang success story

- Sa ilang taon lamang niyang pagtatrabaho sa ibang bansa, marami na agad siyang nai-pundar

- Ngayon, may sarili na siyang bahay, kotse at sariling negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na nakaka-inspire ang success story ng dating OFW na si Jayson Sazon Singco.

Sa maiksing panahon ng kanyang pagiging OFW sa South Korea, wala siyang inaksayang panahon at pera.

Ayon sa HanepTV, bata pa lang si Jayson ay pinangangaralan na siya ng kanyang mga magulang tungkol sa pag-iimpok at tamang paghawak ng pera.

Di niya ito kinalimutan kaya naman napalago niya ang kanyang naipong pera sa pag-a-abroad.

Sa edad na 27, milyonaryo na agad siya.

Dito rin siya nagsimulang magpundar ng kanyang mga ari-arian.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kanyang Facebook page, mayroon siyang isang album kung saan makikita ang kanyang mga investments at properties.

Doon makikita ang kanyang sariling kotse, bahay at maging ang paupahang mga apartment.

Dahil sa kanyang mga naipundar, nakakatulong pa siya sa kanyang pamilya. Katunayan, natulungan niyang makapunta ng Canada at South Korea ang tatlo niyang mga kapatid upang maghanapbuhay.

Ngayon, bukod sa maayos na pamumuhay, kasal na rin si Jayson at mayroon na rin siyang katuwang sa pagpapalago pa ng kanyang mga negosyo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel