Direktor ng Between Maybes, binasag ang kanyang katahimikan tungkol sa Julia-Gerald issue

Direktor ng Between Maybes, binasag ang kanyang katahimikan tungkol sa Julia-Gerald issue

- Naglabas ng kanyang saloobin ang direktor ng Between Maybes na si Jason Paul “JP” Laxamana

- Ito ay kaugnay sa isyu na kinasasangkutan nina Julia Barretto at Gerald Anderson

- Ang pelikulang Between Maybes ay pinagtambalan nina Julia at Gerald

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng kanyang saloobing ang direktor na si Jason Paul “JP” Laxamana tungkol sa isyung kinasasangkutan ng dalawang bida ng isa sa kanyang pelikulang Between Maybes.

Nakakalungkot diumano ang pambabatikos na natatanggap nina Julia Barretto at Gerald Anderson matapos naging usap-usapan sa social media ang diumano'y panloloko ni Gerald kay Bea Alonzo.

Nagsimula ang lahat nang i-upload ng isang fan ang diumano'y picture nina Julia at Gerald na kuha sa party ni Rayver Cruz. Ni-like ni Bea ang nasabing picture at kasunod nito ay nagpost ng mga hugot patungkol sa muling pag-uulit ng pagkakamali.

Naging trending ang usapin lalo na at may mga lumabas na litrato na diumano'y ebidensiya sa panloloko nina Gerald at Julia.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang panayam sa Philstar, sinabi ng direktor na hindi niya pinapakialaman ang personal na buhay ng kanyang mga artista ngunit sobra naman na daw ang ppambabatikos sa dalawa.

Bea Alonzo made cryptic posts on Instagram, sparking speculations of a falling-out with her boyfriend Gerald. — Photo from Bea Alonzo’s Instagram

“It’s just too much. If someone indeed committed a mistake, people are entitled to commit mistakes,” dagdag pa niya.

Hindi pa umano niya nakakausap ang dalawa ngunit sana daw ay maayos nila ang problema.

“We cannot contain social media and we cannot control the reactions." gayunpaman ayon sa kanya, huhupa din naman ang mga reactions na ito.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, binatikos ng ilang netizens ang mga post ni Julia sa social media matapos masangkot sa hiwalayang Gerald-Bea.

Si Jason Paul Laxamana ay isang Filipino writer, director at book author. Nagtapos siya sa University of the Philippines Diliman sa kursong B.A. in Broadcast Communication. Ilan sa nominations na natanggap ng kanyang pelikula ay Gawad Urian Award for Best Direction at Gawad Urian Award for Best Screenplay.

POPULAR: Read more about Julia Barretto here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel