Mayor sa Poland, handang magbigay ng "premyo" sa magsisilang ng baby boy sa kanilang lugar

Mayor sa Poland, handang magbigay ng "premyo" sa magsisilang ng baby boy sa kanilang lugar

- Wala pa muling pinapanganak na sanggol na lalaki sa isang bayan sa Poland sa loob ng siyam na taon

- Dahil dito, magbibigay ng "premyo" ang mayor ng lugar sa sinuman ang magkakaroon ng anak na lalaki

- Naisipan na rin ng alkalde na magtanong sa eksperto ukol sa kaganapang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Siyam na taon na ang lumipas mula nang may isilang na sanggol na lalaki sa bayan ng Miejsce Odrzańskie sa southwestern Poland.

Ayon sa Inquirer, handa ra ang mayor ng lugar na si Rajmund Frischko na magbigay ng gantimpala sa sinuman ang magkakaron ng isang lalaking sanggol.

Sa panayam sa kanya ng ng programang First News noong Hulyo 24, di niya sinabi ang mismong halaga ng kanyang premyo pero sinisiguro niyang may kalakihan ito.

Ayon pa kay mayor Frischko, sinasabi ng mga nakatatanda sa kanilang maliit ng bayan na sadyang mga babae ang madalas na ipinangangak doon.

Naging agaw eksena kasi ang isang ganap sa kanilang lugar nang puro batang babae lamang ang dumalo dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon, napag-alamang wala na ulit naipanganak na batang lalaki ilang taon na ang lumipas.

Nasa 300 na katao lamang ang namumuhay sa bayang ito. Dumating pa nga sa puntong isang sanggol lamang ang naipanganak sa isang taon.

Mula 2007 hanggang 2009, isang babaeng sanggol lamang ang ipinanganak. At ang huling batang lalaki na nailuwal ay noon pang 2011 kasabay ng isa namang babaeng sanggol.

Dahil na rin sa pangyayaring ito, nais nang sumangguni ng alkalde sa isang eksperto kung bakit nangyayari ito sa kanilang lugar.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel