Video ng sinasabing paggalaw ng hilaw na manok sa plato palayo sa mesa, viral

Video ng sinasabing paggalaw ng hilaw na manok sa plato palayo sa mesa, viral

- Agaw eksena ang paggalaw at paggapang ng "raw chicken" papalayo sa mesa

- Kuha raw sa akto ang nakakikilabot na paggalaw ng manok na nasa plato na para kainin

- May nagsasabing maaring may katotohanan ito dahil di ito nalalayo sa nangyari noong 1945 sa farm ni Lloyd Olsen kung saan nabuhay pa di umano ang manok na inalisan na nila ng ulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang nakakikilabot na paggapang papalayo sa mesa ng tipak ng hilaw na manok.

Ayon sa ulat ni Hope Schreiber ng Yahoo news, binahagi muli ng netizen na si Rie Phillips ang naturang video.

Mapapansing nasa plato na sa hapag kainan ang isang tipak na hilaw na manok nang bigla na lamang itong gumalaw at gumapang papalayo sa mesang pinaglalagyan nito.

Makikinig ang reaksyon ng mga tao na naroon mismo sa lugar nang makunan ang video na tila gulat na gulat sa nakitang pangyayari.

Totoo man o hindi, sinasabing di ito ang unang beses na naganap ang paggalaw ng dapat ay patay nang manok.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa artikuong binahagi ng BBC, isang manok na wala nang ulo ang nabuhay pa ng nasa 18 na buwan.

Noong 1945, nagkatay ng manok mula sa kanilang farm ang mag-asawang sina Lloyd at Clara Olsen.

At mula sa ilang manok na kanila nang natanggalan ng ulo, laking gulat nila na ang isa rito na tinawag nilang "Miracle Mike" ay nagawa pang magtatakbo.

Sinsabing maari raw talagang mangyari ang ganitong sitwasyon ayon kay Dr. Tom Smulders ng Newcastle University.

Dagdag ng doktor, posibleng gumalaw pa ang manok nang hanggang 15 minuto ngunit di niya masabi na hanggang 18 buwan gaya ng nangyari kay "Miracle Mike".

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel