Judy Ann Santos, binanatan ang nagpapakalat ng fake ads gamit ang litrato niya

Judy Ann Santos, binanatan ang nagpapakalat ng fake ads gamit ang litrato niya

- Hindi pinalampas ni Judy Ann Santos ang isang ad na gumamit ng kanyang litrato ng walang pahintulot

- Pinabulaanan din niya na gumamit siy7a ng nasabing produkto kaya siya pumayat

- Dagdag pa niya, tamang pagkain, workout at supervised slimming program ang kanyang ginawa upang magbawas ng timbang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling binanatan ni Judy Ann Santos ang isang brand ng slimming products na gumamit ng kanyang picture nang walang paalam.

Sa kanyang Instagram account, ay nilinaw ng aktres na hindi totoo na ini-endorso niya ang nasabing slimming products.

“I am not endorsing or using BLACK LATTE AND/OR PURPLE MANGOSTEEN!” saad niya sa kanyang Instagram post.

Ayon pa kay Juday, sinubukan nilang makipag-ugnayan sa nagbebenta ng mga produktong pampabawas ng timbang ngunit wala diumano silang natanggap na tugon.

Ang mga litratong ginamit sa nasabing fake ad ay kuha mula sa endorsement shoot ng aktres ngunit pinalitan lamang ang kanyang hawak na produkto.

Paliwanag pa ng misis ni Ryan Agoncillo, wala siyang ginamit ng slimming drinks or products para mabawasan ang kanyang timbang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa niya, sumailalim siya sa supervised slimming program at sinabayan ng proper diet at workout.

“Pinaghirapan ko sa tamang paraan para makabawas ako ng timbang. So, para sa mga taong gumagawa nitong fake na balitang ‘to… pagpaguran n’yo naman din sa tamang paraan ang pagbenta ng produkto n’yo," buwelta ng aktres sa gumamit ng litrato niya.

Matatandaang nitong nakaraang buwan ay nagamit na rin ang kanyang litrato sa slimming product na kanya ding inalmahan.

Si Judy Ann Santos ay ikinasal kay Ryan Agoncillo sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas noong April 28, 2009. Una silang nagkakilala sa set ng teleseryeng Krystala noong 2004.

POPOLUAR: Read more about Judy Ann Santos here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel