"Papangalanan lahat nila 'yan," tugon ni Panelo kaugnay sa korapsyon sa PCSO

"Papangalanan lahat nila 'yan," tugon ni Panelo kaugnay sa korapsyon sa PCSO

-Papangalanan daw ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga sangkot sa umano'y korapsyon sa PCSO

-Ito ang naging pahayag ni presidential spokesperson Panelo kasunod nang pagpapatigil ng pangulo sa operasyon ng PCSO games sa bansa

-Nagbigay din si Panelo ng pahayag kaugnay sa mga nanghihingi ng tulong sa PCSO

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

"Papangalanan lahat nila 'yan. Sa ngayon kino-collate pa... pinaiimbestigahan ng mabuti. Ayaw niyang magkamali." ani presidential spokesperson Salvador Panelo, base sa ulat ng ABS-CBN News.

Ito ang naging pahayag ni Panelo kaugnay sa agarang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng operated, licensed, at franchised games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Samantala, kaugnay naman sa mga nangangailangan ng pinansiyal na tulong para sa medical o health cases, maaari naman daw lumapit sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), Office of the President o iba government agencies ani Panelo.

"Kung ipapatigil, ibig sabihin, walang papasok na pera maliban sa dating pera. Meron pa naman tayong PAGCOR at sa ibang ahensiya ng gobyerno," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Matatandaang ipinalit ni PRRD si Cebu City police chief Police Co. Royina Garma bilang bagong general manager ng PCSO matapos nitong sibakin si retired Marine general Alexander Balutan noong Marso dahil sa diumano'y korapsyon.

Ayon sa mga ulat, naging kontrobersyal si Garma dahil sa taong 2018 dahil sa Christmas party ng PCSO na ginastusan ng P6 million.

Pebrero 2019 nang biglang bumaba ang sales ng ticket sa P1.59 billion, mas mababa mula sa kaparehas na period sa nakaraang taon na nakapagtala ng P2.61 billion.

July 26 ng gabi nang i-anunsiyo ni Pangulong Duterte ang agarang pagpapasara sa lahat ng lotto, Peryahan ng Bayan, small town lottery (STL), at Keno outlet na idineklara nang ilegal, na una nang naibalita ng KAMI.

"I have today ordered the closure, the stoppage of all gaming schemes sa... whatever nature, however done, that got the franchises to do from the PCSO.

"The ground is massive corruption involving all, pati the courts who repeatedly issued injunctions to paralyze government and to allow corruption to thrive," sabi ni PRRD.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child. The judge of StarStruck also addresses some peculiar issues related to the legendary show. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel