Lotto at iba pang PSCO games idineklarang ilegal ni Pangulong Duterte

Lotto at iba pang PSCO games idineklarang ilegal ni Pangulong Duterte

- Sa pamamagitan ng isang video broadcast, idineklara ni Pangulong Duterte kagabi, July 26, ang pagpapatigil sa operasyon ng lahat ng PCSO games kabilang na ang Lotto

- Ayon sa pangulo, ito ay dahil sa "massive corruption" na nangyayari sa PCSO

- Dagdag pa ng pangulo, kasalukuyan nang iniimbestigahan ang ahensiya kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, July 26, ang pagpapatigil sa operasyon ng lahat ng mga operated, licensed, at franchised games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa pangulo, ito daw ay dahil sa "massive corruption" na kasalukuyan nang iniimbestigahan.

"I have today ordered the closure, the stoppage of all gaming schemes sa... whatever nature, however done, that got the franchises to do from the PCSO.

"The ground is massive corruption involving all, pati the courts who repeatedly issued injunctions to paralyze government and to allow corruption to thrive,"

Ito ang panimula ng presidente sa video na in-upload ng Presidential Communications Operations Office sa kanilang Facebook page.

"Wala ako magawa. I have to do it. I will not honor transactions that are clearly on the side of, you know, scheming people, Republic of the Philippines, of the money due it.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

"Puro dayaan lahat. At 'yung mga kontrata ay parang crafted in favor of corruption and to favor other corporations and people. I will not allow it,"

Nagbigay ng order ang pangulo sa kapulisan at militar na ipatigil ang lahat ng operasyon ng lotto, Peryahan ng Bayan, small town lottery (STL), at Keno.

Ngayong Sabado, mayroong 24 oras ang mga ito para tulyang maisara ang lahat ng PCSO games dahil ideneklara na itong ilegal.

"I am ordering the PNP [Philippine National Police], PNP Chief [Oscar] Albayalde, to arrest anybody, and goes also for the military, si [Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Benjamin] Madrigal, to arrest people engaged in gambling activities in connection with the franchises, licenses, concessions granted by the PCSO," sabi ng pangulo.

"Irrespective of the, yung mga sinabi ko na na court order enjoining everybody to stop or not to do or what not to do, especially government. Hindi ako papayag ng ganoon. And I said I will not honor anything there. Everybody has to stop," dagdag pa ni PRRD.

Sabi pa ng pangulo, ang PCSO mismo ang humiling dito dahil matagal na siyang nagbabala kaugnay sa malalang korapsyon sa bansa.

"You've offered something to tie the people, allowing gambling and maybe it can help in the economic activity because money goes around. But if you f*** government, that's something else. Talagang kayo ang nanghingi. Ibibigay ko sa inyo," anito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child. The judge of StarStruck also addresses some peculiar issues related to the legendary show. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel