Sobrang Blessed! 6 Best things sa magarbong Team Kramer mansion

Sobrang Blessed! 6 Best things sa magarbong Team Kramer mansion

Sobrang Blessed! Ito ang karamihang reaksyon ng mga netizens sa Team Kramer dahil nakuha na nila ang inaasam-asam na dream house at hindi basta-basta na bahay lang kung di ito ay isang mansyon.

Kaya naman umagaw ng pansin ito sa online world at pinag-usapan ng husto.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa katunayan ay naispatan ng KAMI ang ilang entertainment at lifestyle sites na inilista ang ilang mga bagay at lugar na talaga namang nag-stand out sa kanila o kinamanghaan nila.

Ngayon, sa daming mga magagarang bagay at magarbong spaces na inilista nila at maiilista sa mansyon nina Chesca Garcia at Doug Kramer ay aming inilista ang 6 best things dito.

1. Home Automation System

Ang bonggang automated system ng kanilang mansyon at nagbigay pa ng pa-sample si Doug at mga anak nang na sa sosyaling man's cave sila ng pamilya.

2. Gold Elevator

Agaw-pansin rin ang elevator sa gilid ng hagdanan ng mansyon ng team Kramer at lalong pinag-usapan ito dahil sa gold na disenyo.

Kuwento pa ni Doug, gusto raw ng kanyang ina ang gold kaya nakabuo siya ng ganyang disenyo sa kanilang elevator.

3. Home Theater

Agaw-pansin rin ang kanilang bongga at high-tech na home theater na mas magarbo pa sa sinehan dahil bukod pa sa automated system nito ay may magagarang reclinable chairs pa na mas lalong pinaganda at pinabongga ang panonood mo ng movie.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

4. Pool Area

Hindi rin nagpapahuli ang kanilang malaking pool at ang poolside grill area nila na parang nasa isang resort ka.

5. The Gorgeous View

Ito rin ang pinakapaborito ni Chesca ang maaliwalas na hangin, tahimik na paligid, at ang magandang view sa labas ng kanilang mansyon.

6. Helpers' Rooms at Lounge Area

Isa sa pinakamagandang bagay at lugar na ibinahagi nina Chesca at Doug sa kanilang house tour ay ang sariling bahay ng kanilang mga kasambahay sa loob ng kanilang mansyon.

Ginawan nila ng sariling lugar ang kanilang mga kasambahay na kung saan ay bukod sa kani-kanilang sariling mga kwarto ay may sala at dining set din sila.

Silipin rin ang 5 Gorgeous swimming pools ng mga sikat na Pinay celebrities.

Watch the full house tour here - 'May elevator pa! Team Kramer treats followers with an awesome house tour

Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask Tricky Questions to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel