Biro ng mambabatas na may bomba sa kanyang bag, ikinaalarma ng PAL

Biro ng mambabatas na may bomba sa kanyang bag, ikinaalarma ng PAL

- Naalarma ang Philippine Airlines dahil umano sa biro ng isang APEC Party list member na may bomba ang kanyang bag

- Dahil dito, agad na dinala sa opisina ng PAL ang isa rin pa lang mambabatas

- Bagaman at wala namang natagpuang bomba, ikinabahala pa rin ng airport ang seguridad ng bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang di magandang biro ang binitawan ng APEC party-list member at congressman na si Sergio Dagooc. Tahasan nitong sinabi na may bomba ang check-in luggage niya na labis na ikinabahala ng Philippine Airlines.

Ayon sa ABS-CBN, agad na dinala si Dagooc sa opisina ng PAL matapos ang pagbibitaw ng birong ikinaalarma pa rin ng paliparan.

Sinabi kasi nitong bukod sa kanyang mga damit, naroon din sa kanyang bag ang isang bomba.

Bagaman at maituturing na isang seryosong bagay ang ginawa ni Dagooc, nagawa pa rin itong palayain ng securty ng PAL.

Biro ng mambabatas na may bomba sa kanyang bag, ikinaalarma ng PAL
photo source: Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ito ay dahil ang isang mambabatas tulad ni Dagooc ay maaring palayain dahil sa "privileged from arrest" kung ang kaparusahan ng kanilang nagawa ay di lalampas sa anim na taong pagkakakulong.

Bagaman at wala namang nakitang bomba sa gamit ng mambabatas, Malaki pa ring abala ang nagawa nito sa PAL nitong Biyernes. Di na rin nakaalis pa ang congressman dahil sa abalang kanya mismong nagawa.

Dahil dito, muling umapela ang PAL sa kanilang mga pasahero nang tangkain pang gayahin kung anuman ang nagawa ni Dagooc o anumang bagay na ikaalarma ng airport na siyang magiging dahilan ng matinding abala sa karamihan.

Ayon pa sa Aviation Security Group, lubhang sineseryoso pa rin nila ang mga ganitong bagay kahit pa sabihin pagbibiro lamang ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel