Pamamahiya umano ng ML player sa delivery man, binatikos ng netizens

Pamamahiya umano ng ML player sa delivery man, binatikos ng netizens

- Dinipensahan ng ilang netizens ang isang GrabFood delivery man sa di umano'y pamamahiyang sinapit nito sa customer niyang isang Mobile Legends player

- Naistorbo at natalo pa raw sa kanyang laro ang player dahil daw sa pagtawag ng delivery man

- Kung ano-ano nang masasakit na salita ang nasambit ng player sa delivery man na gingawa lang naman daw ang kanyang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang viral post ng isang netizen na dinipensahan ang pinahiyang GrabFood delivery man ng kanyang naging customer.

Binahagi ni Justin Cruz ang mga screenshot mula sa customer ng GrabFood na isa umanong player ng Mobile Legends.

Ayon sa customer na may Facebook name na Trixie Dauz, naistorbo raw ang kanyang paglalaro dahil sa mga tawag ng delivery man sa kanya.

Ang mas lalo pa niyang ikinagalit ay ang kanyang pagkatalo sa laro.

Makikita sa screenshots ang mga binitawan nitong masasakit na salita sa GrabFood delivery man na ipinapaalam lang naman ang estado ng order ng customer.

Sa caption pa ng post ni Trixie, dapat pa raw magpasalamat ang delivery man dahil di niya ginawang i-cancel ang order.

Nagawa namang mag-sorry ng delivery man at pinaliwanag na bahagi kasi iyon ng kanyang trabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit tila mainit na talaga nang husto ang ulo ng customer na di pa rin tumigil sa pagpapadala ng mga masasakit na salita.

Dahil dito, maraming netizens ang uminit ang ulo dahil sa nakita nilang pagkakamali di umano ng customer.

Ayon pa kay Justin, sana raw landline ang ginamit nito para umorder ng pagkain para di maistorbo sa updates ng delivery.

Sana rin daw naisip ng customer na dahil lamang sa "laro" ay maaring mawalan ng trabaho ang taong maayos namang nagha-hanapbuhay.

Ang masaklap pa raw nito, bagong panganak ang misis ng delivery man kaya naman huwag sanang basta na lamang ito mawalan ng trabaho dahil sa lamang sa ganoong klaseng customer.

Tumataginting na 67,000 na reactions, 27,000 comments at 69,000 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel