Umaapaw na blessings! Cebuana sa Tennessee, nanganak ng quadruplets

Umaapaw na blessings! Cebuana sa Tennessee, nanganak ng quadruplets

- Hindi lang isa o dalawa ang ipinanganak ng isang Fil-Am na ginang sa Tennessee kundi apat na malulusog na babies

- Ibinahagi rin nito at ng asawa niya kung gaano kalaking pagbabago ang hatid ng kanilang quadruplets sa kanilang buhay

- Ngunit hindi naman matatawaran ang kanilang saya dahil sa nag-uumapaw na blessing na ito sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Kakaibang saya daw ang hatid sa mag-asawang Mark at Haydee Bertsch ng kanilang bagong silang na quadruplets.

Ang Filipino-American na si Haydee ay nanganak noong June 13 sa Tennessee ng apat na malulusog na babies na sila Kimberly Anne, Parker Duane, Samantha Kate, and Savannah Page Bertsch.

“The day na nanganak ako that was supposed to be my regular check-up. But one of the doctors in Vanderbilt decided to assist me, check my cervix that they said you’re ready to go.

"You’re ready because it was 4 cm na. I was in labor. Pain tolerance ko is really high so hindi ko naramdaman I was in labor that day,” kwento ni Haydee.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, isang minuto ang pagitan ng bawat baby ni Haydee at Mark.

Ibinahagi rin nila ang malaking pagbabago sa kanilang buhay matapos isilang ang kanilang quadruplets.

“You can imagine going up 40 diapers a day, not including our toddler, so 40 diapers a day for quads.

"That’s 8 feedings a day, times 4 so that’s 32 feedings a day; 32 bottles get made a day, 40 diapers gets changed a day--yeah all those things times 4 that typical household will do with one baby we’re dealing with 4.

"But the blessing is times 4 as well, we not only get 4 times the work, but we get blessed 4 times over as well,” sabi naman ni Mark.

Bukod sa apat na sanggol ay mayroon pa silang isa pang anak, si Jayden, ang kanilang panganay na anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child. The judge of StarStruck also addresses some peculiar issues related to the legendary show. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel