Lalaki, nagmatigas na 'di magbibigay ng sustento kahit pa makalaboso

Lalaki, nagmatigas na 'di magbibigay ng sustento kahit pa makalaboso

- Kahit na saan daw sila umabot ay hindi magbibigay ng sustento ang lalaking inireklamo ng dati nitong kinakasama

-Maging si Raffy Tulfo ay nagulat sa naging sagot nito sa nanay ng tatlo nitong anak

-Pati mga netizens, nanggigil din sa lalaking kayang tiisin ang kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagmatigas hanggang huli ang lalaking si Ferdinand Arganda na hindi siya magbibigay ng sustento sa kanyang tatlong anak kahit pa nga siya ay sampahan ng kaso.

Reklamo ng dati nitong kinakasama na si Reishel Larino, hindi man lang nagbibigay ang lalaki sa kanyang tatlong anak.

Ngunit kahit si Raffy Tulfo ay nagulat sa isinagot ni Arganda kay Larino nang tawagan ito ng programa.

Deretso nitong sinabi na hindi daw talaga ito magbibigay ng pera kay Larino kahit na saan pa sila umabot.

Sinabi pa nitong kaya niyang kunin ang kanyang mga anak kung hindi na kayang buhayin ni Larino.

Dito na sumingit si idol Raffy na hindi nagustuhan ang mga sinabi ng lalaki sa nanay ng tatlo nitong anak.

Ipinaliwanag ni Tulfo na ayon sa batas ay dapat lamang na nasa poder ng nanay ang mga batang 7 taon pababa lalo pa hindi naman kasal ang mga magulang.

Agad na pinutol ni idol ang pakikipag-usap sa inireklamong lalaki at agad na nangako ng suporta para sa ginang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, pati mga netizens hindi rin nagustuhan ang inasal ng lalaki.

"Aroganteng tao irreponsble tatanda karina ugoc and going to strock no body want to take care of you soon thats your karma."

"Tapang!! Sir raffy, like you always say, do everything in your power to put this man in a place suited to a man like him."

"gusto nyang mkalaboso it is because may pera syang pang pyansa.... yan ang nsa utak nya."

"sarap suntukin s mukha nitong lalaki n to... kapal muks!!"

"Child support is a law no matter what Parents are obligated to give a child’s support. Jobless not a good reason!"

"Mas Mahal pa Ni kuya Yung hair nya kaysa duon sa mga anak nya."

"Grabe si kuya ang tapang kahit san pa daw si ate lumapit ndi parin siya magbibigay."

Narito ang link ng video mula sa official YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action: HANDA SIYANG GUTUMIN ANG MGA ANAK AT MAKALABOSO, WAG LANG MAGSUSTENTO!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child. The judge of StarStruck also addresses some peculiar issues related to the legendary show. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel