Mayor Isko, ipatutupad ang pag-hire ng mga senior at PWDs sa mga fast food chains

Mayor Isko, ipatutupad ang pag-hire ng mga senior at PWDs sa mga fast food chains

- Hinikayat ni Manila Mayor Isko Moreno na tanggapin ng mga fast food chains ang mga senior at PWD

- Inanunsyo ng mayor na nagbigay na siya ng ng kautusan sa kanyang mga opisyal tungkol sa pagpapatupad nito

- Bukod dito, makatatanggap din daw ang mga senior ng ₱500 bilang buwanang sustento ng lokal na pamahalaan ng Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasunod na isinasakatuparan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapahintulot sa mga senior citizens at person with disabilities na magtrabo sa mga fast food chains sa Maynila.

Ayon pa kay Mayor Isko, nabigyan na niya ng kautusan ang kanyang mga opisyal upang maabisuhan ang napakaraming fast food chains sa kanilang lugar.

Ang head ng Public Employment Services Office (PESO) of the local government of Manila na si Fernan Bermejo ang naatasan ng alkalde ng Maynila sa pagpapatupad nito.

Ilan na sa mga fast food chains na maaring pasukan ng mga senior citizens ay ang Jollibee at Mc Donald's.

Isa itong magandang oportunidad sa mga senior citizens at PWDs na magtrabaho pa rin kung kaya pa naman nila ang nais na pasukang hanapbuhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa datos, may bilang ng mga senior citizens na kinakailangan pa ring maghanapbuhay upang may pantustos sa sariling mga pangangailangan o di kaya nama'y may pamilya pa rin na kinakailangang buhayin.

Kaya naman malaking tulong sa kanila na magkaroon ng trabahong makapagbibigay sa kanila ng maayos na pagkakakitaan.

Bukod pa rito, inanunsiyo na rin ni Mayor Isko ang ang ordinansang magbibigay ng ₱500 na allowance sa mga senior citizens at PWDs.

“If Americans can do it, if Singaporeans can do it, if Japanese can do it, why not Manileños?,” ayon sa bagong alkalde ng Maynila.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel