Ara Mina, may ikinuwento sa usaping pag-ibig kasama si Sarah Geronimo

Ara Mina, may ikinuwento sa usaping pag-ibig kasama si Sarah Geronimo

- Ara Mina, ikinuwento ang minsang pag-uusap nila ni Sarah Geronimo tungkol sa pag-ibig

- Nagsho-shooting ngayon sina Ara at Sarah para sa isang pelikula

- Dahil lahat umano ng eksena ay kasama ang Popstar Royalty ay di maiwasang magkwentuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ara Mina, may super cute na kuwento sa pag-uusap nila ni Sarah Geronimo tungkol sa pag-ibig sa BTS sa set ng ginagawang pelikula at ito ay nalaman ng KAMI mula sa kanyang interview.

Bungad na kuwento pa ni Ara sa ulat ni Leo Bukas sa push.com.ph:

“Lahat ng eksena ko kasama ko si Sarah. Kaya nga sabi nila, ‘Uy, yung dates mo ha, kasi hindi tayo puwedeng ma-pack-up.’ Kasi nga, lahat ng shooting days ko kasama si Sarah."

Kaya naman daw minsan ay nakapag-usap sila ni Sarah sa shooting nila sa Baguio tungkol sa kani-kanilang personal life.

Aniya:

“Nung nag-shoot kami sa Baguio medyo nakapag-bonding kami. Medyo nag-uusap-usap na rin. Nagkukuwento ako about mga past love life ko."

Dugtong pa ni Ara:

“Tapos sabi ko sa kanya nakakatuwa naman kayo, matagal na kayo ni Matteo (Guidicelli), sabi niya, ‘Oo nga po, Ate.’ Sabi ko rin, ‘Magkamukha na kayo at feeling ko kayo ang magkakatuluyan.’ Sagot niya, ‘Naku po, sana po Ate.'"

Magkasama ngayon sina Ara Mina at Sarah Geronimo sa pelikulang 'Unforgettable' ng Viva Films.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Biniro naman ni Sarah Geronimo sina Daniel Padilla at Piolo Pascual habang nagho-host ng ASAP, kamakailan lang.

Ara Mina, nagsimula sa That's Entertainment ni German "Kuya Germs" Moreno at naging paboritong leading lady sa ilang mga pelikula.

Kapatid niya si Cristine Reyes at ngayon ay super busy sa kanyang mga negosyo habang nagsho-shooting.

POPULAR: Read more news about Ara Mina here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask Tricky Questions to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel