Raffy Tulfo, saksi sa wedding proposal ng magkasintahang noon lamang nagkita

Raffy Tulfo, saksi sa wedding proposal ng magkasintahang noon lamang nagkita

- Viral ang post tungkol sa wedding proposal na ginanap sa programang Raffy Tulfo in Action

- Laking gulat ng babae sa ginawa ng kanyang nobyo dahil noon pa lamang sila nagkita

- Naging saksi si Raffy Tulfo sa nakakakilig na proposal ng lalaking mula pa sa Jacksonville, Florida, USA sa kanyang nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaibang tagpo ang naganap sa programang Raffy Tulfo in Action kung saan nasaksihan mismo ng host ng programa ang wedding proposal ng kanyang mga panauhin.

Sa Facebook page ng naturang programa, nag-viral ang mga larawan ng OFW na si Reynaldo sa surpresang marriage proposal para sa kasintahan niyang si Michelle.

Galing pa ng Jacksonville, Florida, USA si Reynaldo kung saan siya nagtatrabaho.

Laking gulat na lamang ng kasintahan nitong si Michelle na habang ini-interview siya ni Tulfo ay lumuhod na lamang si Reynaldo na noon pa lamang niya nakita ng personal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Halos hindi makapagsalita si Michelle sa bilis ng mga pangyayari at sa sobrang kagalakan.

Matapos ang nakakakilig na proposal ay nagpakuha na ang buong pamilya ng magkabilang partido ng larawan kasama si "Idol Raffy."

Patunay na kahit magkalayo sina Reynaldo at Michelle, dahil tunay at wagas ang kanilang pag-iibigan ay tutuloy na rin ito sa pagbasbas ng simbahan.

Umabot na sa mahigit 26,000 reactions ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel