Netizen, nasaksihan ang pagluha ng bus driver nang mabalitaang pumanaw na ang anak

Netizen, nasaksihan ang pagluha ng bus driver nang mabalitaang pumanaw na ang anak

- Viral ang post ng netizen na nakakita sa pagluha ng bus driver na namatayan na pala ng anak habang siya ay nasa biyahe pa

- Kahanga-hanga ang pagiging matatag nito at maayos pa rin daw na nakapagmaneho sa kabila ng napakasakit na balita

- Nadurog ang puso maging ng mga netizens dahil ramdam din nila ang hirap ng driver na nasa trabaho pa habang ang isip niya'y nais nang umuwi para makasama ang anak niya sa mga huling sandali nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang napakahirap ng sitwasyong binahagi ng isang netizen kung saan nasaksihan niya kung paano naluha ang driver ng bus ng kanyang sinasakyan nang malaman nito ang isang nakakalungkot na balita.

Ayon sa post ni Keith Julius Leydan Embacanan, ramdam niya ang kalungkutan nang marinig na sinasabi ng bus driver sa konduktor na pumanaw na ang kanyang anak.

Ikinagulat naman ito ng koduktor sa pag-aakalang maayos na ang kalagayan ng anak ng tsuper.

Nakita rin ng pasahero na tahimik lamang na nagdadalamhati ang bus driver na nanatiling kalmado at maayos pa ring nagmaneho sa kabila ng napakasakit na balita.

Nakaramdam din ng pagkalungkot ang mga netizens para sa driver. Napakasakit daw kasi nito para sa driver na nasa trabaho pa kahit ang isip niya'y nais nang umuwi para makapiling sa huling sandali ang kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod sa mga pakikiramay, narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens:

"Condolence, stay strong kuya..."
"Di kita kilala pero nararamdaman ko rin yung sakit."
"Pakatatagka po,may rason bakit nangyayari ang mga bagay"
"Grabe naman saket ng ganon nangyare, napapaluha na rin ako!"
"Kung ako nasa lagay ni kuya, di ko alam baka mapauwi agad ako, pero sya, iniluha na lang niya habang kalmado pa rin siyang nagmamaneho"

Umabot na sa 118,000 reactions at 35,000 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel