Tulfo, prinangka ang demanding na lalaki na inireklamo ng ex nito

Tulfo, prinangka ang demanding na lalaki na inireklamo ng ex nito

- Matapos na makapag-usap sa telepono ang dalagang at ang dati nitong nobyo na inireklamo nito ay nagharap naman ito sa programang Wanted sa Radyo

- Simula pa lamang ay nagkainitan na ang dalawa at maging si idol Raffy ay 'di napigilang sabihan ang lalaki

- Matapos ang mainit na paghaharap ng dalawa ay sinamahan naman ng team ng programa ang dalaga para pormal na sampahan ng kaso ang ex nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Nauwi sa sampahan ng kaso ang reklamo ng dalagang si Naifa Usman matapos ang mainit na paghaharap ng dalawa sa programang Wanted sa Radyo.

Nag-ugat ito nang idulog ni Naifa ang problema sa dating nobyo na si Mohammad Saad Mustapha dahil sa paninira nito at pagpapakalat ng kanyang edited na larawan, na naibalita na ng KAMI.

Sa umpisa pa lamang ay nagkainitan na ang dalawa at maging si Raffy Tulfo ay hindi rin naiwasang sabihan si Mohammad.

Nag-demand kasi ang lalaki na i-off air ang kanilang usapan at huwag silang kuhanan ng video.

Bagamat hindi ito napagbigyan ni idol Raffy ay itinago naman ang mukha nito at binigyan ng pagkakataon na sabihin ang panig nito.

Inamin nito na mayroon siyang mga sinabing masasamang salita laban kay Naifa ngunit itinanggi na nito ang iba pang paratang ng dalaga tulad ng pagpapakalat ng larawan nito.

Ngunit mariing sinabi ni Naifa na ito lamang ang may kakayahang gawin ito lalo pa at may mga ebidensiya siyang pinanghahawakan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Natatakot na din daw si Naifa para sa kanyang kaligtasan at maging ng kanyang pamilya.

Hanggang sa huli ay hindi pa rin nagkasundo ang dalawa at bigla na lamang nag-walk out si Mohammad mula sa tanggapan ng TV5. Ngunit nagpasya itong magsampa ng kaso laban sa dating nobya.

Samantalang si Naifa naman ay agad na sinamahan ng team ng programa sa CIDG para makapagsampa ng kaukulang reklamo laban kay Mohammad.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Thanks for helping the Muslim woman. The deserve to be protected by our law."

"This guy is a monster. I feel so bad for ate."

"if your not hiding anything....you should show your face."

"Buti nalang di kayo nagkatuluyan ng lalaking yan halatang sinungaling talaga yabang mo brad."

"Patay ka lalaki ka, yari ka sa cyber crime law. Ituloy mo yan kaso mo ate sa bastos na yan."

"That guy is a manipulator. Ipaglaban mo pagkatao mo ate sa sinungaling na yan. Buti hindi mo siya nakatuluyan."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel