Babae, inakusahan ang ex-BF ng pagpapakalat ng kanyang edited photos

Babae, inakusahan ang ex-BF ng pagpapakalat ng kanyang edited photos

-Mainit ang naging sagutan ng isang dalaga at nobyo nito na inirereklamo nito ng paninira at pangbabastos sa social media

-Giit pa ni ate, ang lalaki na nga ang lulubog-lilitaw sa kanilang relasyon pero ito pa daw ang galit sa kanya

-Depensa naman ni lalaki, marami daw kasing lalaki ang nobya niya kaya sila naghiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hindi na nakapagpigil pa ang dalagang si Naifa Usman, 25-anyos, nang makausap ang kanyang dating nobyo na si Mohammad Saad Mustapha, 40-anyos.

Inireklamo kasi ni Naifa ang lalaki sa programang Wanted sa Radyo matapos siyang siraan umano at bastusin sa social media.

Giit pa ni Naifa, ito daw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay dahil may mga pagkakataon na bigla na lamang itong mawawala at hindi makausap na umaabot ng buwan.

Pinagbibintangan daw siya ng lalaki na mayroon siyang ibang lalaki at nag-eedit pa umano ng mga larawan niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Itinanggi naman ito ng inirereklamong lalaki.

Depensa pa ni Mohammad, inamin naman daw ni Naifa na nagkaroon ito ng relasyon sa ibang lalaki.

Bagamat inamin ni Naifa na nagkaroon siya ng ibang relasyon, ito daw ay nangyari matapos bigla na lamang mawala ni Mohammad nang wala mang pasabi.

Sa tagal daw ay inakala nito na tapos na ang kanilang relasyon.

Sa huli ay nagkasundo naman ang dalawa na magharap sa programa.

Ayon naman sa anti-cybercrime group na nakausap ni idol Raffy, posible daw na pumasok sa cybercrime ang ginawa ni Mohammad kapag nakapagsumite ng ebidensiya si Naifa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel