Dahil stressed sa school, 19-anyos, nagawang layasan ang magulang

Dahil stressed sa school, 19-anyos, nagawang layasan ang magulang

- Idinulog ng isang ginang ang pagkawala ng kanyang anak sa programa ni Raffy Tulfo para matulungan siyang mahanap ito

- Isang araw matapos mai-ere ito ay agad na nakatanggap ng tawag ang programa mula sa magulang ng kinakasama ng dalaga

- Sa tulong ni Tulfo ay nakita muli ng ginang at ng asawa nito ang kanilang anak na nawalay kasama ang lesbian na karelasyon nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sabik na niyakap ng ginang na si Susan Elim ang kanyang anak na si Andrea matapos itong mawalay sa kanila.

Una nang idinulog ni aling Susan ang pagkawala ng kanyang anak noong Pebrero sa programang Wanted sa Radyo.

Matapos lamang ang isang araw ay nakatanggap na ang programa ng tawag mula sa nanay ng karelasyon ni Andrea.

Sa tanggapan ng TV5 muling nagkita ang mag-ina kasama pa ang kanilang padre de pamilya.

Nakaharap din ng mga ito ang karelasyon at kinakasama ng 19-anyos nilang anak na si Jonnalyn Calayo na mula pa sa Cavite.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Dito na napag-alamang nagkaroon ng problema ang dalaga sa eskwelahan na labis nitong ikinabahala.

Nang hindi na daw nito nakayanan pa ay nagawa daw nitong umalis sa kanilang tahanan at nagtungo sa bahay ng kanyang kaibigan.

Matapos ang apat na araw ay nakipagkita ito kay Jonnalyn at napagpasyahan na sumama na dito.

Hindi naman pinalagpas ni Raffy Tulfo ang pagkakataon para sabihan si Jonnalyn dahil sa kanilang ginawa.

Humingi naman ito ng paumanhin at ipinaliwanag na nadala lamang siya ng takot. Bagamat tinangka naman daw nitong ihatid ang kasintahan noong una.

Sa tulong ni idol Raffy ay nagkasundo ang dalawang panig. Malugod na tinanggap ng mag-asawang Elim ang relasyon ng dalawa.

Nagpasya naman si Andrea na sumama na kay Jonnalyn sa Cavite para makapaghanap ng trabaho.

Nangako naman ito na tatapusin ang pag-aaral kapag nakapag-ipon na silang dalawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel