Service crew na nabuhusan ng mainit na sabaw, pinabayaan na lang daw ng amo

Service crew na nabuhusan ng mainit na sabaw, pinabayaan na lang daw ng amo

- Dumulog na sa programang Raffy Tulfo in Action ang isang service crew na nabuhusan ng mainit na sabaw sa kanilang trabaho

- Bukod dito, kulang na kulang ang kanilang sinasahod at wala pa silang benepisyo

- Matapos kasing dalhin ang crew sa ospital, pinabayaan na lamang daw ito ng amo kaya naman siya na rin ang bumibili ng kanyang mga gamot

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sadyang nakakadurog ng puso ang sinapit na pagmamaltrato ng di umano'y isang Chinese businessman sa service crew na dumulog kay Raffy Tulfo.

Ayon mismo sa Raffy Tulfo in Action, naka-wheelchair pang pumunta sa programa ni Tulfo ang service crew na si Jason ay mga kasama nito.

Mapapansing naka-wheelchair ito at may ilang benda sa kanyang hita.

Kwento ng kanyang kasama na si Rhoselle Jimenez na isa ring restaurant crew, pinagmamadali raw umano si Jason na madala agad palabas ang bagong luto na soup ng isang Chinese cook.

Sa pagmamadali, nadulas siya at natapon ang sabaw sa hita ni Jason.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinagot naman daw ang pinapasukan ni Jason ang pagpapagamot ngunit tumigil na rin at pinabayaan na lamang daw siya.

Ang masaklap pa nito, naubos na ang pera niya na ginamit sa pagpapagamot at dun nagkaalaman pang kulang ang pasahod sa mga crew.

Ang masaklap, nalamang wala rin silang benepisyo .

Di naman umuwing luhaan sina Jason dahil agad itong naksyunan sa tulong staff ni idol Raffy.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel