Manny Pacquiao, tumulong pala sa sparring partner sa Tate para makabili ng bahay

Manny Pacquiao, tumulong pala sa sparring partner sa Tate para makabili ng bahay

- Manny Pacquiao, nagbigay pala ng tulong sa isa sa kanyang sparring partner sa Tate

- Sa video na ibinahagi ni Elie Seckbach sa kanyang channel ay fineature niya ang pagtulong na ito ni Pacman

- Ito ay isiniwalat naman ng sparring partner ni Pacquiao na si Dave Rodela

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Manny Pacquiao, walang humpay ang pagtulong at hindi basta-basta ang patulong na ginagawa ni People's Champ dahil napag-alaman ng KAMI na tinulungan lang naman niya ang isang sparring parter na makabili ng bahay sa Tate.

Spotted namin ang napakagandang kuwentong ito sa report ni Elie Seckbach sa kanyang EsNews YouTube channel.

Ani pa sa pamagat ng video na ito:

"When Manny Pacquiao Helped His Sparring Partner Buy A House - ESNEWS Flashback"

Bumuhos naman ang pagkabilib ng mga netizens sa kabutihan ng loob ni Pacman.

"So, instead of gold chains and watches he helps less fortunate. Great job Manny."
"Sorry I wasn't able to come to your wedding, come have dinner with me bring your wife," then he gives him the money for downpayment in his house. Manny is pure class a man of respect."
"Pacquiao touched millions and change the life of many."
"Pacman built a subdivision lot for the poor people here in the Philippines."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At hindi lang ito ang kauna-unahan o nag-iisang kuwento ng pagtulong ni Manny Pacquiao dahil ilang balita na rin ang aming nabahagi tungkol sa kabutihan ni Pacman.

Sa katunayan, a few days ago ay may isang pamilya ang nagbahagi sa kabutihang loob na ginawa ng People's Champ sa kanilang anak.

Kaya naman sobrang naantig ang mga netizens sa ginawa ni Manny Pacquiao sa batang fan.

Manny Pacquiao, isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Binuhos niya ang kanyang atensyon sa boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Watch our latest interview with ‘Hello, Love, Goodbye’ star Jameson Blake below:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel