Babaeng patawid, nagmalasakit buhatin ang nakasabay na may saklay

Babaeng patawid, nagmalasakit buhatin ang nakasabay na may saklay

- Viral ang video ng isang babae na nagmalasakit buhatin ang nakasabay niyang maglakad ng naka-saklay

- Makikitang hirap tumawid ang naka-saklay na muntik pang maabutan ng paghudyat ng "go" ng mga sasakyan

- Hinangaan ng mga netizens ang baabeng nagmalasakit kargahin ang naka-saklay upang mapabilis ang pagtawid nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakakaantig na video na binahagi ng Facebook page na Caught on cam.

Makikita sa post ang babaeng may saklay at may benda pa ang kaliwang binti na sinisikap na tumawid.

Mapapansin ding napahinto pa ang babae sa may gitna ng tawiran na marahil ay nakaramdam ng pagod.

Hindi talaga ito makabilis ng paglalakad dahil siguro sa sakit ng kanyang paa.

At nang maghudyat na ng "go" ang traffic lights, muntik pang maabutan ito ng isang kotse nang biglang may babaeng lumapit sa kanya.

Inalok ng babae ang nakasaklay na pasanin na lamang niya ito upang mapabilis na ang kanilang pagtawid.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mapapansin ding bahagyang kinastigo pa ng babae ang kotse na muntik nang andaran ang naka-saklay.

Pasan ang may saklay, mabilis na nakatawid ng maayos ang dalawa.

Dahil dito, umani ng papuri ang babaeng nagmalasakit sa nakasabay niyan tumawid na may benda pa ang paa.

Sana raw ay dumami ang tulad ng babae na may malasakit sa kapwa lalo na sa oras na mayroong nangangailangan ng tulong.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel