Queen Elizabeth II, binigyang parangal ang Pinoy driver ng British Embassy sa bansa

Queen Elizabeth II, binigyang parangal ang Pinoy driver ng British Embassy sa bansa

- Kinilala ni Queen Elizabeth II ang maayos na serbisyo ni Roland Quitevis bilang official driver ng mga UK envoy sa bansa

- Ibinalita ito sa pamamagitan ng isang Facebook post ng British Embassy Manila

- Kamakailan lamang ay nabigyang parangal din ni Prince Charles ang isang Pinay nurse sa London

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang Pinoy ang kinilala sa England dahil sa maayos na serbisyo nito sa British Embassy Manila sa loob ng 33 taon.

Ayon sa Inquirer, binigyang parangal si Roland Quitevis, isang Filipino driver ng embahada na naging official driver na ng ilan sa mga prominenteng tao ng Inglatera na bumisita sa bansa.

Ginawaran siya mismo ni Queen Elizabeth II ng British Empire Medal dahil sa kapita-pitagan niyang serbisyo sa loob ng mahigit na tatlong dekada.

Inanunsyo ito ng British Embassy Manila sa kanilang Facebook post noong Martes kasama na ang pagbabahagi ni Roland ng kanyang karanasang bilang driver ng mga ambassadors ng UK.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod dito, minsan na rin siyang naging driver ng Royal family.

Binahagi niyang dumaan pala siya sa iba't-ibang training dahil di lamang siya magmamaneho, kinakailangan ding may kaalaman siya sa mga dapat gawin sa anumang sitwasyon lalo na at mga prominenteng tao ang kanyang naisasakay.

Samantala, nakakataba ng pusong malaman na ito ang pangalawang pag-gawad ng mga prominenteng tao sa UK sa mga kababayan nating Pinoy.

Maaalalang si Joy Ongcachuy, isang Pinay nurse sa Royal London hospital ang ginawaran naman ni Prince Charles ng Order of the British Empire (OBE) Award nitong nakaraang linggo na naibalita rin ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel