Nobyong nagsuot pang-mascot para i-surpresa ang nobya, nahuli ito na may kasamang iba

Nobyong nagsuot pang-mascot para i-surpresa ang nobya, nahuli ito na may kasamang iba

- Viral ngayon ang isang tweet tungkol sa nobyong nahuli ang nobya na mayroon nang iba sa kakatwang paraan

- Wala sa bansa ang lalaki at binalak niyang surpresahin ang nobya ngunit tila siya pa ang na-surpresa sa nakita

- Makikita sa bawat detalye ng mga larawan kung gaano nasaktan ang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media partikular na sa Twitter ang isang post tungkol sa nobyo na binalak i-surpresa ang kanyang nobya.

Nasa ibang bansa ang nobyong ito kaya naman sabik siyang makita at makasama muli ang nobya na nasa China.

Nagsuot pa ng pang-mascot na bear ang lalaki at tinanong ang nobya kung nasaan ito ng mga oras na iyon.

Nagsabi naman ng totoo ang babae kaya naman doon nagtungo ang nobyo.

Ngunit imbis na ang girlfriend ang masurpresa, laking gulat ng nobyo nang makita ang GF na maykasamang ibang lalaki.

Kitang-kita sa mga larawan na gumagawa ng ingay ngayon sa Twitter ang bawat detalye ng mga pangyayari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinangka pang sundan ng babae ang nobyong naka-costume pa ngunit kahit na niyayakap niya ito, di na lamang ito gumalaw.

Napakasakit nito para sa lalaki dahil nagbiyahe pa siya ng nasa 2,400 km para lamang makasama muli ang kanyang minamahal.

Sadyang nakakadurog ng pusong tingnan ang bawat larawan na nagpapakita ng nakakalungkot na nagyayari sa karamihan ng relasyon ngayon.

Umabot na sa 82,000 reactions at 21,000 retweets ang post na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel