Nag-abroad si ate para tustusan si kuya; lumaki ang ulo at feeling pogi na

Nag-abroad si ate para tustusan si kuya; lumaki ang ulo at feeling pogi na

- Isang OFW ang humingi ng tulong kay Idol Raffy para mabawi ang mga perang napadala niya sa kanyang ex-BF

- Matapos daw niya itong tustusan ay nagbago na bigla si kuya

- Sa sobrang yabang ni kuya, nasupalpal tuloy siya ni Idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' si Enalie Garcia, isang OFW sa Dubai, upang ireklamo ang kanyang dating boyfriend na si Rosenel Abergas.

Nalaman ng KAMI na nagpunta sa abroad si Enalie dahil sa kagustuhan niyang tulungan si Rosenel magtayo ng negosyo.

Pero ayon kay Enalie, matapos maipundar ang kanilang negosyo ay bigla na itong nagbago.

Nabalitaan na niyang mayroon na itong iba at ang pinakamasakit pa ay ginastos nila ng babae niya ang perang pinadala niya.

"Napagkasunduan natin mangibang-bansa ako para suportahan yung pangarap natin, maitayo yun. Nung malapit na ako umuwi, may iba ka na. Iba nang nakatira doon," umiiyak na saad ni Enalie.

Pero uminit ang ulo ni Idol Raffy sa naging banat ni kuya, "Ikaw, sa kagustuhan mong makuha ako agad, kaya ka nagpupursigi na mag-abroad ka."

Watch the video below:

Maraming netizens naman ang nagtataka na bakit maraming babae ang madaling nagpapaloko sa mga lalaki kahit hindi pa naman nila asawa o 'di kaya ay hindi pa man lang nila nakikita sa personal.

"Bakit ang daming babaeng ganito na magtutustos sa lalaki lalo't hindi naman sila mag-asawa at walang anak. Girls, gising! Ipunin niyo mga kinikinita nyo wag nyo isusustento sa lalaki. Ang matinong lalaki hindi magpapasustento sa gf niya at kakayod ng mahusay. Period."
"'Yung kagustuhan mo na makuha mo agad ako' hahaha Wow POGI ni Kuya. hahaha Katayin na kaya si kuya sa Katayan"
"Nagpadala ka agad para ma kuha mo ako. d manlang kinilabutan c kuya sa pinagsasabi nya. Ulol!"
"Sorry Miss OFW, huwag kc magtitiwala kong di mo asawa...ngayon rereklamo reklamo ka"
"kapal ng apog nitong lalaki nato kapal ng mukha manggantso ka manggagamit viral k ngyn sa kayabangan mo"
"trust your family not your bf. that was the main problem of some OFWs investing In a wrong person. di n bago ito."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang misis ang muntik nang himatayin dahil sa sobrang sama ng loob kay mister na OFW.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, the star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. Jameson Blake also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel