Netizens, nais matulungan ang lolong mananahi na laging kasama ang misis na naka-wheelchair

Netizens, nais matulungan ang lolong mananahi na laging kasama ang misis na naka-wheelchair

- Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng mag-asawang matiyaga pa ring nagha-hanapbuhay

- Mananahi ang lalaki habang ang babae ay lagi naman niyang kasama dahil sa ito'y naka-wheelchair na

- Walang ibang hangad ang mga netizens kundi ang matulungan ang mag-asawang nagsusumikap pa ring mag-hanapbuhay sa kabila ng kanilang edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang larawan ng lolo na nagre-repair ng mga damit partikular na ang mga pantalon at polo kasama ang misis niyang naka-upo sa wheelchair.

Binahagi ng netizen na si Edison Leonor ang kalagayan ng mag-asawang nakapuwesto raw sa may terminal ng AB Liner sa Calauag, Quezon.

Sa post ni Edison, hinihikayat niya ang mga madadaan sa puwesto ng mag-asawa na magpagawa sa anumang serbisyong inaalok ng mga ito.

Malaking tulong na raw ito mag-asawa na sila na lang marahil ang bumubuhay sa isa't isa.

Nai-kwento rin ni Edison na wagas ang pagmamahalan ng dalawa. Magdedeliver lamang daw noon ang lolo ng kanyang natapos na gawain, di na makali ang misis nito at nami-miss agad ang mister.

Sadyang mabait daw kasi ang mister kaya ganun na lamang ang pagmamalasakit at pagmamahal nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang ang ilang netizens ay napuna pa ang maling spelling sa karatula ng mananahi, nangibabaw pa rin naman ang mga nagnanais na matulungan ang mag-asawa.

Marami na rin ang umalam sa eksaktong lokasyon ng lolo at lola na marahil ay magpapa-abot ng anumang tulong na kaya nilang ibigay.

Umabot na sa 30,000 na positibong reaksyon ang post at nasa 19,000 na rin ang mga nagbahagi nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel