139 na presong sumailalim sa ALS, nagtapos ng elementarya at high school

139 na presong sumailalim sa ALS, nagtapos ng elementarya at high school

- 139 na mga bilanggo ang nagtapos sa elementarya at high school sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City

- Sumailalim sila sa Alternative Learning System ng Department of Education kaya naman nabigyan sila ng pagkakataon na makapag-aral muli

- Bukod sa kanilang pagkatuto, nababawasan din ang kanilang sintensya at nagkakaroon pa lalo sila ng pag-asang magbagong-buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapasa sa Accreditation and Equivalency Test ng Alternative learning System ng Department of Education ang 139 na mga preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ang ilan ay nagtapos sa elementarya habang ang iba naman ay nagtapos ng high school.

Ayon sa ulat ni Leifbilly Begas ng Inquirer Libre, ginanap ang graduation at recognition sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.

Malaking bagay ang pagtatapos na ito sa mga preso dahil sa pinasok ang Alternative Learning System ng DepEd sa Reformation Program ng Bureau of Corrections.

139 na presong sumailalim sa ALS, nagtapos ng elementarya at high school

source: Inquirer.net
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di lamang ang pagkakataong makapagpatuloy ng pag-aaral ang naibigay sa mga preso, nababawasan din daw ang kanilang sintensya.

Paglilinaw ni Chief Inspector Stella May Lat, hepe ng Training and Education Section ng NBP, ang mga PDL o persons deprived of liberty ay nabibigyan ng Good Conduct Time Allowance.

Kaya naman ang mga nagsipagtapos na ito at mabibigyan pa talaga ng malaking tyansa na makapag-bagong buhay sa kanilang paglabas dahil sa bibigyan sila ng sertipiko ng katibayan na nakatapos sila ng high school. Dahil dito, maari silang makapag-kolehiyo at maaari rin silang makahanap ng trabaho.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel