Sanggol na ang oras, timbang at petsa ng kapanganakan ay "711," scholar na ng 7-Eleven

Sanggol na ang oras, timbang at petsa ng kapanganakan ay "711," scholar na ng 7-Eleven

- Minsan nang nag-viral ang sanggol na ipinanganak noong Hulyo 11 sa ganap na 7:11 ng gabi na may timbang na 711 pounds

- Dahil sa 711 ang lucky number niya, napansin siya ng 7-Eleven at bibigyan na ang sanggol ng college fund

- Sasagutin na raw ng 711 ang $7,111 o mahigit ₱350,000 ang pang-kolehiyo ng sanggol pagdating ng araw

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila lucky number talaga ng anak ni Rachel Langford ang 711 dahil sa ipinanganak ito noong Hulyo 11 sa ganap na 7:11 ng gabi at may timbang na 7.11 pounds.

Kwento pa ni Rachel sa CNN, lagi raw niya talagang nakikita ang numerong 7 at 11 sa buong panahon ng kanyang pagbubuntis.

Nag-viral ang nakamamanghang detalye ng kapanganakan na ito ng baby ni Rachel dahilan upang mapansin ng isa sa pinakamalaking convenience store sa mundo, ang 7-Eleven.

Sanggol na ang oras, timbang at petsa ng kapanganakan ay "711," scholar na ng 7Eleven

source: 9Gag
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Minsan nang nai-ulat na sinagot na ng 7-Eleven ang mga diaper at mga pang-baby na damit ng baby girl ni Rachel.

Ngunit di lamang pala iyon, magbibigay din ang convenience store ng halagang $7,111 na magagamit ng baby para sa pagkokolehiyo nito.

Laking tuwa naman ni Rachel dahil kahit sanggol pa lamang ang anak, may kasiguraduhan na ang pagpasok nito sa kolehiyo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel